"HEHEHEEHEHE!ako nga Zyny!"
Di ako makapaniwala na nandito si Eng-Eng sa harapan ko,sobrang tuwa ko ngayon iwan ko Kung bakit.
"Eng-Eng,ano pong ginagawa niyo dito"
"Gusto kitang isama Kung gusto mo! HEHEHEEHEHE!"naexcite naman ako
"Kina Gabriellito po ba tayo pupunta Eng-Eng?"excited Kong wika.
"Hindi"bigla nawala ang excitement ko.
"S-saan po ba"nag-aalangan na akong magsalita.
Di na niya ako sinagot at pinasakay nalang niya ako,nasa taas kami ngayon at kitang Kita ko sa baba Ang ganda,dumaan kami sa malaking building at bawat nakatanaw sa bintana ay nagugulat.
Bumaba na kami at pumasok sa malaking lumang bahay.
"Eng-Eng ano po ang ginagawa natin dito?"
May kinuha siyang lumang libro at ibinigay sa akin,binuksan ko ang lumang libro pagkatapos kong hipan ang ibabaw.
Binuklat ko ang unang pahina at binasa Ang nakasulat doon.
Zhamora Family(1901)
Nabigla ako,tumingin ako Kay Eng-Eng na nakatingin nasa akin at tumango siya,Kaya binuklat ko pa Ang ibang pahina.
sunod na pahina may litrato lahat ng mga Zhamora,nakita ko si Gabriellito ang gwapo niya namiss ko Ang ngiti niyang ito,napangiti ako habang titig na titig kay Gabriellito habang naluluha,miss ko na talaga siya at yinakap ko iyon para akong tanga pero yon ang naiisip Kong paraan para mayakap siya.
"Eng-Eng maaari ko bang mahiram ito?"tiningnan ako ni Eng-Eng at tumango,ngumiti ako sa kaniya.
Pagkatapos naming magtungo sa lumang bahay ay iniuwi na niya ako.
Pumunta ako sa kwarto at binuklat uli ang bawat mga pahina doon,kahit paano nakakabawas sa lungkot.
Habang abala ako sa pagtingin sa bawat pages may nag doorbell ,iniwan ko Ang libro sa kama at nagtungo sa labas pagbukas ko ng gate wala namang tao.
Napapadalas na ah una nong may tumawag na walang may sumasagot tas ngayon may nagdoorbell wala namang tao,pinaglalaruan ba ako.
Sinara ko ang gate at pumasok sa loob.
Tumanaw ako sa bintana yakap yakap ang libro.
February 25 (2021) ngayon Ang araw ng kaarawan ko,but ,I'm alone nobody's with me,I'm not goin' to celebrate my birthday Because I don't want to celebrate it alone.
nong Bata ako kapag nagbibirthday ako gusto ko lahat ng pamilya,kaibigan,at kakilala, kapit bahay gusto ko silang narito at ako Ang nagbibigay ng gift sa kanila,dahil sila ang regalo sa akin.
Ngayon mag-isa nalang ako,pero kahit ganito nagpapasalamat padin ako dahil lahat ng mga magagandang nangyari sa akin ay naranasan ko,mag-isa man ako ngayon pero Hindi ito hadlang para malungkot,sign ito para magawa ko pa ang gustong gawin sa buhay ko, Kaya nga ako binigyan ng ganitong regalo ay para maging motibo na huwag susuko.
Napatingin ako sa baba dahil may nagliwanag doon,takang taka naman ako Kung ano iyon,nanindig Ang balahibo ko Kaya mabilis Kong sinara Ang bintana napatingin ako sa pinto may liwanag din sa labas Ng pinto ng kwarto ko, unti-unti akong lumapit dito,at dahan dahang hinawakan Ang doorknob at binuksan, liwanag lang Ang nakikita ko walang sino man ang may humahawak na ilaw/flashlight.
Nabigla ako nang mabilis itong bumaba ng hagdan,nagdadalawang isip ako Kung susundan ko ito o hindi,nanaig padin Ang takot ko Kaya pipihit na Sana ako pabalik sa kwarto ngunit yung mga paa ko parang kinukuntrol at gustong maglakad paibaba ng hagdan,natatakot na talaga ako,pero wala akong magawa,hinayaan ko nalang Ang sarili kong maglakad,tumakbo na ako para mawala sa paningin ko ang liwanag.
Natanto ko nalang Kung nasaan na ako Ng ilibot ko ang paningin ko sa buong paligid nasa kagubatan na ako,pero tanaw ko parin ang bahay ko at umaabot pa dito ang ilaw sa labas Ng bahay.
Ibinalik ko ang paningin ko at nakita ko ang liwanag na nasa may balon,dahan dahan akong lumapit dito,nanginginig ako dahil baka may ahas, napapalibutan Ang balon Ng mga matatas na damo,nagtataka talaga ako Kung bakit ang liwanag ay nasa balon napakaliwanag nito,hinawakan ko ang gilid ng balon,
Parang may nararamdaman akong kakaiba habang tinitingnan ko ang ilalim ng balon habang tutok ako dito ay parang hinila ako papasok sa balon Kaya nahulog ako,napasigaw ako at ipinikit Ang mga mata ko,nag-alala ako sa sarili dahil dina ako makakabalik sa taas Ang lalim ng balong ito.Nahinto ako sa pagsigaw ng maramdaman ko Ang lupa, unti-unti Kong minulat ang dalawa Kong mata,laking gulat ko ng tumambad sa akin Ang lugar,sobrang familiar na lugar maraming tao ang nakakita sa'kin at nagtataka,gayun paman sobrang Saya ko!
Ngayon ko Lang nalaman ang tumawag sa akin noong nasa taông 2020 pa ako ay cellphone ko pala na ginamitan ng mahika upang magbigay sinyales sa akin.
"Ate Zyny?"napalingon ako sa likod ko gulat na gulat si Bebang,lumapit ako sa kaniya at yinakap ko siya.
"Bebang!"tuwang tuwa ako.
"Ate zy-ny,d-di ako ma-kahinga"Kaya tiningnan ko siya sa mata at ngumiti ng malapad.
"I miss you!"kinarga ko siya at yinakap yakap uli,nagtaka naman Ang mga tao roon.
"Kumusta kana Bebang ha,na miss Kita ng sobra"kinurot ko ang pisngi niya,mukhang dalaga na si bebang,pero sa tuwa ko nakarga ko siya.
"Ayos naman...
Ate Zyny saan ka po nanggaling Ang tagal mong nawala"biglang tanong niya."Nako Bebang mahabang kwento,sandali nga di mo ba ako na miss?"parang nagtatampo na wika ko.
"Syempre po namiss Kita ate Zyny,nabigla Lang kasi ako sa pagdating mo,pero gayun paman masaya ako at napakasaya ko hahaha"tawa siya Ng tawa."ate Zyny halikana po dapat po malaman na ni Kuya Gabriellito na nandito kana"excited niyang wika,napangiti naman ako, naglalakad kami habang hindi pinapakinggan ang mga nasa paligid namin.
"Bebang Ang Kuya Gabriellito mo ba ay...Alam mo na...ano..ahh"nabigla naman ako sa pagtawa niya.
"Hahaha!ate Zyny wala po,di po siya tumitingin sa ibang mga babae at kahit tumingin payun doon sa iba ikaw lang Ang Mahal non"napangiti naman ako."pero Alam mo ate Zyny si Kuya Gabriellito sobrang lungkot niya,nasaktan talaga siya sa pag-alis mo,kahit ako nga naiinis ako sa'yo kasi dika nagpaalam"pagtatampo niya sa huling sinabi.
"Bebang Hindi na ako nagpaalam sayo kasi babalik naman ako,oh tingnan mo andito na ako diba"nginitian ko siya Kaya yinakap niya ako.
"Alam mo po ate mas lalo kang gumanda"
"Nako napakabolero mo na Bebang ha"
"Totoo nga po,mamaya pagnakita ka ni Kuya Gabriellito nako talagang mas maiinlove sayo yon,masusurpresa talaga mamaya si Kuya Gabriellito"halatang excited siya at ako rin makikita ko na si Gabriellito.
"Ahm Bebang nasaan ba ngayon Ang Kuya Gabriellito mo."tanong ko malapit na kami sa bahay nila Bebang.
"Sa mga oras na ito nasa bahay Lang nila" tumingin naman siya sa'kin habang naglalakad.
"Ahh ganon ba,pwede mo ba siyang puntahan pero wag mong sabihing nandito na ako,kwentuhan mo Lang ng Kung ano ano tungkol sa akin,Kung saan kami madalas magkita noon,o kahit ano pang gusto mong itanong sa kaniya pero dapat huwag Ang tungkol ngayon"nginitian ko siya.
"Heheh sige po ate Zyny,wag po kayong mag-alala akong bahala"tinaas baba pa niya ang isa niyang kilay habang nakangiti."ikaw po ate Zyny kailan ka magpapakita"
"Ahm ako Ng bahala"ngitian ko at kinurot Ang pisngi niya.
"Sige po ate Zyny alis na ako"tumango Naman ako.
"Berting! Updi ak!"tawag niya Kay Berting,namangha naman ako dahil binata na ito.
"Ate Zyny?ikaw itun?"shock niyang tanong,natawa naman ako.
"Oo,ako ine"
"Berting Tara na dalii !Kay kakadion ta hi Kuya Gabriellito!"sigaw ni Bebang.
"Aada na hinigugma ko nga Bebang! Nga bagan bagang!"natawa naman ako
"Ano nim yakan?!ha berting nga Baga kan uring!"sigaw ni Bebang
"Waray!"
"sige ate Zyny makadi anay kami"tumango naman ako.