YEAR 1953#10

8 4 0
                                    

Nag isang buwan na ako dito,palagi kaming nagkikita ni Gabriellito, unti-unti rin akong nahuhulog sa kaniya,kapag nagbebenta ako ng bibingka siya palagi ang nangungunang suki ko.napapangiti na lamang ako.

Nandito kami ngayon ni Aling benyang sa bayan namimili Ng kasangkapan para sa bibingka at syempre para makapamili na rin ng mga kailangan sa bahay.

Sa aming paglalakad dito sa bayan may Nakita akong makalumang kwentas,para kasi sa atin makaluma na,pero dito sa taong ito Hindi,Kaya nagpasya akong bilhin 'yon,may nakaukit 'yon na ibon nagustohan ko naman,nang nabili ko na isinuot ko iyon agad.

"Oh-zyny nabili mo na ba lahat Ng mga kailangan mo?"tanong sakin ni Aling benyang

"Opo nabili ko na po,kayo ho ba?"tanong ko rin.

"Oo nabili ko na,Ang ganda namang kwentas na ito,bagay sa'yo Zyny,"Sabi niya Ng Makita Ang kwentas na nasa leeg ko,napangiti naman ako.

"Salamat po"

"Oh sige Tara na Kung wala Ng bibilhin"at umalis na kami at sumakay na papauwi.

Pagkarating namin sa bahay,nagluto agad ako ng alimasag at kumain na kami matapos magluto.

Pagkaumagahan pagkatapos naming maglako ni Bebang ng bibingka ay tumulong ako sa pagtanim ng palay,nong simula ay diko pa alam ngunit sa tulong ni Medyeng at Bebang ay di nila ako tinigilan hanggang di ako natututo sobrang bagal ko ngunit tama naman ang pagtanim ko.

Habang nakayuko akong nagtatanim ng palay ay may tumama sa likuran ko kaya kinamot ko Ang likod ko at may na hagip sa aking kamay na putik,narinig ko Ang pagtawa nina Medyeng at Bebang Kaya tumingin ako sa gawi nila,tawang tawa sila habang humahawak pa sila sa kanilang tiyan,Kaya kumuha ako ng putik at ibinato rin sa kanila.

Tumigil sila sa pagtawa at ako naman Ang tawang tawa,Kaya kumuha rin sila ng putik at binilog iyon at ibinato sa akin hanggang sa nagtakbuhan kami para makaiwas sa mga putik na ibinabato Ng bawat isa sa amin,nang nadapa ako sa putikan sininyasan ko muna sila na "wait Lang"  Kaya sila nalang muna ang nagbatuhan,pero nung makarecover na ako,ipinagpatuloy parin ang pambabato ng putik.

"HOY!kamon tulo,di kayo titigil!"sigaw ni Mang Adong nanag-aararo sa kabila pero malapit Lang sa amin, tumingin kami sa kaniya at nakaisip kami ng kalukohan kaya kumuha kami ng putik at binilog iyon at pinagbabatu namin siya ng sabay-sabay,kaya tawang tawa kami

"HAHAHAHAHA"

Nakitawa narin si Aling benyang dahil sa asawa niyang puro putik na,nang marinig ni mang Adong na sobrang tawa si Aling benyang pumulot siya ng putik, Hindi na niya iyon binilog binatu na niya ka agad kay Aling benyang,Kaya head shot si Aling benyang,di muna siya nakarecover at kumuha siya ng tubig doon sa inaapakan niya at naghilamos,nong matapos siya tumingin siya sa asawa niya Ng nakakunot Ang noo,tawang tawa naman si mang Adong.

"Adong!"malakas na sigaw ni Aling benyang,Kaya natigil kami sa pagtawa ngunit nong tumingin kami sa kaniya,ay pumuporma na siya para bumato,kaya bago pa makaiwas si mang Adong natamaan na siya sa batok.

"Benyang!"sigaw rin ni mang Adong,pagkasigaw niyang 'yon ay ibinato niya ka agad Ang putik Kay Aling benyang.

Kaya Ang pagtatanim namin ng palay ay nauwi sa bato-batuhan ng putik,nong umuwi kami puro putik Ang buo naming mga katawan,mga alas kwarto nang hapon kami nakauwi,ngunit  pagdating namin doon sa bahay ay nakita ko si Gabriellito! Kinakausap niya ang isang gwardiya,ngunit sakto ng makalapit kami ay umalis din yong body guard niya at tumingin sa amin,napako Ang kaniyang dalawang mata sa akin na puro putik,nakakahiya, tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa.

"Magandang hapon sa'yo herr Gabriellito"magalang na sabi Nina Mang Adong,Aling benyang,at Medyeng,na nagpipilahan Kung maglakad na puro putik Ang buong katawan.

Tinanguan Naman sila,at sinabihang pupunta sila sa ilog para maligo,at nagpahuli lamang ako.

"Ah- magtutungo na rin muna ako sa ilog para m-maligo"sabi ko.

"Samahan na Kita"biglang sabi niya,tatanggi pa Sana ako ngunit sinenyasan na niya akong maglakad na.

Nang makarating kami sa ilog nandoon na sila Aling benyang,mang Adong, Medyeng Bebang at berting.inalis muna nila Ang mga putik sa katawan doon sa may timba,bago magdive sa ilog.

Tinulungan akong mag-igib ni Gabriellito doon sa ilog para ilagay sa timba Ang tubig para sa pangtanggal ng putik,nahihiya parin ako,kahit palagi na kaming magkasama,nakatalikod siya sa akin habang ako ay abala sa pagtanggal ng mga putik sa ulo ko mukha,katawan,at sa suot ko. Nong matapos na ako,doon Lang ako naligo sa umaagos na tubig 'yon kasi ang area ko palagi.

Pauwi na kami ngayun,si Gabriellito Ang nagdala ng basa Kong damit na nakalagay sa palanggana,di parin natatahimik Ang kulitan nila Mang Adong, Aling benyang,kami naman Ang taga tawa,napapangiti naman si Gabriellito sa mga biro ni mang Adong.

"Kun di kapa nakaiwas kanina han ak pagbatak,Ay sigurado gud ak hadto nga nagmumuas ka gud hin lagay HAHAHA!"masayang sabi ni Mang Adong Kay Aling benyang.

"Ata kun waray ka daw liwat hadto makakapyot hin kahoy,gurhab gud it ngaim short."nadulas kasi kanina si mang Adong at muntik nang mahulog doon sa may tulay,di naman kalaliman,pero may mga kahoy na naroon.

"HAHAHA!"tawanan na Naman namin.

Hanggang sa nakarating din kami sa bahay nina Aling benyang.

"Herr Gabriellito,huwag ka munang umuwi,mag-iinoman pa tayo"Yaya ni mang Adong Kay Gabriellito.

"Sige.."sang-ayon naman niya.

"Pero imo tangway"dugtong pa ni mang Adong,binatukan naman siya ni Aling benyang.

"Haha sige sige"tas inutusan ni mang Adong sina Bebang at Berting na bumili ng tuba.

Nang makaalis sina Bebang at Berting,nagpaalam si Gabriellito na aalis muna siya pero babalik daw siya ka agad.

"Sige herr Basta babalik ka ha."paninigurado ni mang Adong,napangisi naman si Gabriellito.

"Sige,di Lang ako magtatagal."sabi niya at tumingin sa akin,tinanguan ko naman siya.

"Balik ka herr ha?"kulit talaga.kaya binatukan na Naman siya ni Aling benyang.

"Sinabi nang babalik siya,kailangan pa talagang paulit ulitin ha Adong"sabi ni Aling benyang.

"Kung kinakailangan.Oo!"binatukan na naman siya.

Natawa nalang ako sa kakulitan nila.

"Anay daw pag-ihaw kitan manok,parat sumsuman"sabi ni mang Adong.

"Gabay lugod"sabi ni Aling benyang at sabay silang nagwalk-out.naiwan naman akong mag-isa,Kaya nagtungo nalang ako sa kusina para makapagsaing na at  makapaghugas ng pinggan.

Tatlong Oras na Ang lumipas ngunit wala paring anino ni Gabriellito kanina pa nakabalik sina Bebang at Berting,habang nagmumuni muni ako  dito sa sala,biglang may nagpatugtug ng guitara Kung di ako nagkakamali sa labas iyon ng bahay na tinutuluyan ko nanggagaling.

Kaya dahan-dahan ako naglakad sa bintana.

"Ano 'yun?"tanong ni Bebang,kakalabas Lang sa kwarto.

"Aynako sani,hi Gabriellito naghaharana aada ha gawas!"sigaw ni mang Adong,tinulak ng mabilis ni Aling benyang Ang ulo ni mang Adong.

"Loko ka talaga Adong ,kailangan mo pa talagang sumigaw!?"bulong niya na nagpipigil ng boses.

"Kung kinakailangan,Oo!"sigaw niya,binatukan na talaga niya uli.

Di na ako nakinig sa kanila, dahan-dahan akong naglakad patungo sa bintana at binuksan iyon,doon bumungad sina Gabriellito na Kaysobrang gwapong lalaki,may hawak siyang gitara,at may mga kasama siyang nasa likuran niya.

Love Is Impossible [✓]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon