Part 53 :

312 14 4
                                    

My breathing became so heavy . Ngayon ang araw kung saan makikipagkita ako sa kanya . My mind says no . Pero kinakain na ng guilt ang puso ko . Everytime that Ary is asking me about his father ay palagian na lamang akong walang maisagot . Palagian ko na lamang tinatakasan ang mga katanungan ng anak ko . Dahil hindi ko naman maaaring ipaliwanag sa kanya ang nangyari sa amin ng Daddy niya . Napakabata pa ng anak ko upang mag isip ng kung ano- ano . Kung minsan nga ay napapagalitan ko na siya kapag hindi siya humihinto sa kakatanong kagaya na lamang ng minsang magkaroon ng program sa school na pinapasukan niya kung saan required na buong family ang kasama ng mga bata . I was about to go there pero nagkaproblema ang isang client ko kaya nalate ako ng dating na sakto namang tapos na ang ganap sa school niya . She was very sad that time . Ni hindi niya ako nililingon kahit pa ng tawagin ko siya . I was explaining my side pero naunahan niya na ako sa tanong na " Where's Daddy , Mommy ? Bakit lahat ng classmate ko kapag hindi pwede ang Mommy nila may Daddy naman silang kasama ? How about me ? " Hindi ko ipinahalata ang mga luhang unti unting pumatak sa mukha ko ng yakapin ko siya . Nasundan pa ng marami ang mga katanungan niyang iyon . Ary deserves a family . Isang pamilya na matatawag niyang sa kanya . Isang pamilya na pangarap niya . Pero hindi ko na alam kung paano . Siguro nga kasalanan ko lahat ng nangyari ,  na kung hindi lamang ako natakot ay marahil kasama namin siya . Hindi siguro maiisip ng anak ko na may kulang sa kanya .

"How old is Ary ?" . Tinig iyon na muling nagpapitlag sa akin . He's here . Kahit pa nga itim ang kanyang salamin sa mata ay nahihinuha kong matatalim ang mga tinging ipinupukol niya sa akin .

"What now ? Hindi mo ba kayang sagutin ang tanong ko ?" . Iritable niyang saad sa akin .

"She's s-six" . Sa isang kisap mata ay nakita ko na lamang na hinubad niya na ang shades niya at ang mga mata niyang namumula na ang nakatitig sa akin . Nalilito siya . Pero ramdam kong may alam na siya sa kung ano ang totoo .

"

" Is she my daughter ? Sa akin ba siya ? " . Sunod sunod na tanong niya na tanging paghikbi na lamang ang naging kasagutan ko .

"Damn !" Napatalikod siya mula sa akin ngunit nakita ko kung paanong yumanig ang mga balikat niya kasabay ng paghagulhol .

"How can you do this to me ! Alam kong galit ka , alam kong masama ang loob mo sakin , hindi tayo okay noong umalis ako . Iniwan kita . Pero kung sinabi mo lang hindi ako aalis , kahit ilang beses mo akong ipagtabuyan hinding hindi ako aalis sa tabi mo ."

He's right . Napakaselfish kong tao . Kaya tila mga patalim na tumatarak sa puso ko ang mga katagang binibitawan niya .

"Ilang beses kitang tinanong , ni hindi mo man lang ako pinakinggan . I even kneeled in front of you !

Patuloy lamang kaming dalawa sa pag iyak . Ramdam ko ang pagsigid ng kirot sa puso ko . Ni hindi ko na maipaliwanag ang mga dahilan ko dahil alam kong sa mga oras na ito ay hindi niya ako pakikinggan . Galit siya sa akin .

" I want to see her . This time , pwede ba huwag mo siyang ipagdamot sa akin ? " Nagsusumamong sambit niya .

Natagpuan ko na lamang ang sarili kong nagdadrive pauwi habang siya ay nakasunod sa sasakyan ko . Ng makarating sa building ng condo na tinutuluyan namin ay agad na akong bumaba at nakita kong nakasunod siya sa akin .

" She's a nice kid . Mahilig siyang sumayaw . Makinig sa mga fairytales na kwento . She can sing too . Favorite niya ang doughnut . Kahit everyday mo siyang pakainin nun okay lang sa kanya . Takot siya sa pusa , okay na siya kapag natatanaw niya iyon sa malayo " .

Ramdam ko ang panginginig sa boses ko habang binabanggit sa kanya ang mga hilig ng anak ko .Nakita ko ang muling pamumuo ng mga luha sa mata niya .

Muntik na kitang MinahaLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon