Part 48 :

516 23 27
                                    

Buong maghapon yata akong wala sa sarili . Makailang beses din akong pumalpak sa mga designs ng gown ng mga costumer ko . The thought of having Donny as one of my client ay lubusang nagpapasakit sa ulo ko . Hindi lang pala ulo , pati puso din pala .

Nakikita ko palang kase siyang palapit ay parang tinatambol na sa lakas yung pintig ng puso ko . Pero hindi ako attracted sa kaniya ah . Never .

His rude , sobrang taas ng tingin niya sa sarili niya . 7years lang siyang nawala pero ang laki laki na ng ipinagbago niya . Alam ko namang may kasalanan ako sa kanya pero hindi naman dahilan yun para kausapin niya ko na tila wala kaming pinagsamahan . Sobrang unfair nun .

" I think you're having a bad day " .

Napakislot ako sa upuan pagkarinig ko sa boses niya . Hindi ko yata namalayan ang pagdating niya .

Ng magtama ang paningin namin ay madilim ang anyo niya .

"Just tell me directly kung hindi mo kayang ihandle yung wedding ko , so we can get another coordinator . Yung walang issue " .

Napamulagat ako sa sketch ng suit niya na nilamukos ko ng hindi ko alam . Kawawang papel .

Pero teka ? Anong sabi niya ? Issue ? Ako may issue ?

"Sorry for that "sir" . Nakayukong sabi ko . Isang malalim na buntong hininga lang ang pinakawalan niya . Ng hindi pa ren siya natitinag sa kinatatayuan niya ay ako na ang kusang umalis .

"Sukatan ko na kayo , sir" . Usal ko ng hindi siya tinitingnan .

"You're too formal" . Malamig na tugon niya .

"Kliyente ko ho kayo kaya dapat lang ho na igalang ko kayo" . Ramdam ko ang pamumula ng pisngi ko . Hindi nakatakas sa akin ang mapanudyong ngiti na pinakawalan niya .

"Okay , Mrs.GaLLo" .

"Mo-mmyyy" . Tila nalulon ko ang sarili kong dila pagkarinig sa munting sigaw na iyon . Nanginginig man ay nilingon ko pa ren ang entrance ng aking opisina at hindi nga ako nagkamali dahil andito nga siya . Bakit ngayon pa ?

Maging si Donny ay napatingin ren sa gawing iyon . Nanlalaki ang mga mata kong sinusundan ang batang babae na nagmamadaling tinatakbo ang direksyon ko . Umiindayog sa pagtakbo nito ang mahabang buhok . Kasunod nito ang kasambahay kong si Leila na tila kapareho ko reng wala sa sarili . Bakas ang kaba sa mukha .

"Ay maam , pasensya na . Makulet po kase si Ary , ang sabi niya po ay daanan ka daw po muna namin bago kami pumunta sa school." Hindi magkandatuto sa pagpapaliwang si Leila na lalong nagpadagdag sa kabang nararamdaman ko .

Ng tingnan ko si Ary ay nagpeace lang eto sa akin . Kung sana lang ay pwede akong kumalma sa mga ganitong pagkakataon ay ginawa ko na . Kulang na lang ay magpakain ako sa sahig .

Hindi pa ako handa . Hindi ako magiging handa kailanman .

Dahil alam kong sa oras na magtama ang paningin nila ay mahaharap ako sa isang napakalaking problema .

Pero huli na . Dahil kusa ng lumuhod si Donny sa harapan ng anak ko .

"Hi" . Matamis na ngiti ang ibinigay nito kay Ary kasabay ng paglahad ng mga palad na animoy nagpapakilala . Handang magpakilala .

Nagliwanag ang mukha ni Ary pagkakita sa palad na nakikipagkilala sa kanya .

"My name is Aryanna Cassandra" . Madaldal na wika neto . Masyadong sabik si Ary sa mga taong nakikipagkilala sa kanya . Marahil ay sinanay ko siyang sa condo at school lang ang buhay niya .

"You're pretty , Ary " .

"Thankyou po" . Kusang lumabas ang dalawang biloy nito sa pisngi ng ngumiti sa tinuran ni Donny .

"Mommy , who's that guy?" . Nagtatakang tanong nito sa akin . Tila nawalan na ako ng sariling boses para magsalita .

"Im Donny , client ako ng mommy mo" . Malambing na turan nito sa anak ko .

"So you're getting married soon ? Because you said your one of Mommy's client ?" . Inosenteng tanong ng anak ko . Tila kinurot ang puso ko sa tanong na iyon . Hindi para sa akin , kundi para kay Ary . Bahagyang nag iinit ang mga sulok ng mata ko .

"Yes baby" .

"Consider me as one of your flower girls po" . Nagpuppy eyes pa ang anak ko . Ganito siya sa akin kapag may mga bagay siyang gusto niyang ibigay ko agad . But , not this time . Hindi alam ni Ary kung sino ang taong kausap niya .

"I would love too , Ary" . Nakangiting tugon ni Donny na mas lalo kong ikinabahala .

"I'd like to wear pink gown" . Pumapalakpak pang sabi nito .

"Ary , what did i tell you ?" . Doon ko palang nakuha ang atensyon niya .

"Im sorry Mommy , nagsleep pa kase ako noong umalis ka eh , di mo ako nakiss . Kaya po ako pumunta dito" . Tila nahimigan niya ang boses ko . Napapalabi tuloy siya sa akin .

"Come on , give Mommy a kiss . Then you'll attend your class na ha " . Mabilisan niya akong ginawaran ng halik sa magkabilang pisngi . Hindi nakaligtas sa paningin ko ang pagtitig sa akin ni Donny . Natatakot ako sa tingin na iyon .

"I'll see you Later baby" . Pagpapaalam ko bago ko sinabi kay Leila na ihatid niya na si Ary sa school .

"Bye , Mommy . Bye , Tito Donny" . Ary said , before they left .

Nakatingin lang ako sa sasakyang kinalululanan nila . Wala akong kibo . Hindi maproseso sa isip ko ang mga pangyayari kani kanina pa lang . Not knowing na may kasama nga pala ako .

"How old is Ary ?" .

--

Hi Dk's 💖

Sorry kung ang tagal kong walang update . I guess may mga pangyayari lang talaga na mahirap ihandle . Dalawang magkakasunod na statements mula sa kanila . And it breaks my heart . Literally . Gusto ko na nga sanang alisin tong story na toh pero marami kase kayong nagppm at umaasa sa update ko kaya napagdesisyunan kong ituloy na lang . I love you guys . Sama sama pa ren tayo hanggang sa ang "muntik na kitang minahal ay maging "MAHAL KITA" 💖 .

THANKYOU FOR READING 💖

Muntik na kitang MinahaLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon