FLashback :
A lot of messages coming from him . Pero heto ako at nakatuLaLa sa Lugar kung saan madalas naming tambayan . A scene from the hospital suddenly flashed through my mind .
Isang malakas na sigaw ang bumungad sa akin ng tangkain kong pasukin ang room ni Chloe . She's wearing a hospital gown . She rolled her eyes to me .
"Anong ginagawa niya rito , Daddy ?" . Matalim ang mga mata nitong nakatingin sa akin .
"She's here to visit you , sweetheart" . Sumikdo ang puso ko pagkarinig sa lambing ng boses ni Papa sa kanya .
"Hindi ba't sinabi ko naman na ayoko siyang makita , si Donny .. Dad siya nalang po ang papuntahin niyo rito" . Nagsusumamo ang mga mata nitong nakikiusap kay Papa .
"Tatawagan ko siya anak , papupuntahin ko siya" . Pangungumbinsi ni Daddy sa kanya .
"Make sure Dad , siya Lang ang gusto kong makasama sa mga oras na ito . Kung bakit naman kasi simula noong party ay hindi niya na ako kinausap , namimiss ko na siya eh . Hindi niya ren ako tinatawagan ." . Nangingilid ang mga luha nito habang nagkikwento . Hindi ko na natiis ang sarili ko at nagmamadali ko ng nilisan ang silid na iyon . Ayoko ng marinig ang iba niya pang sasabihin . Naririnig ko pa ang pagtawag ni Papa sa akin . Ng maabutan niya ako ay agad niya akong iniharap sa kanya .
"Kirsten , anak " . Hilam ng luha ang kanyang mga mata ng magtama ang paningin namin .
Matalim ang mga mata ko ng salubungin ko ang tingin niya . Hindi ako nagpatinag kahit pa nga nanghihina na ang mga tuhod ko at gustong gusto ko ng umiyak .
"Ano pang kailangan niyo sa akin ?" .
"Sorry for causing you trouble anak , hindi mo deserve ang mga nasaksihan mo ngayon " .
"Mahal mo ba ako , Papa ?" . Matigas pa ren ang tonong tanong ko . Gusto kong malaman ang totoo . Isa ito sa mga tanong na kinikimkim ko sa puso ko ng maraming taon .
"I love you anak , ikaw at ang kuya mo ang pinakaunang taong nagbigay ng kaligayahan sa akin . Sa inyo ako nakumpleto . Sa inyo ko naramdaman kung gaano kasarap ang maging isang ama . May mga bagay lang na naging hadlang upang hindi ko maipagpatuloy ang tungkulin ko sa inyo pero maniwala kang walang oras na lumipas na hindi kita minamahal ."
"Then , what about her ?" .
" Chloe is so vulnerable , she may look strong outside but she was weak inside . Ng dumating siya sa buhay namin ng Tita Elen mo ay ibinigay namin sa kanya ang lahat ng bagay na gusto niya . Ngunit hindi namin namamalayan na may mga bagay pa siyang hinahanap . Na ang mga bagay na hinahanap niya ay nagdadala sa kanya ng mga lungkot na palagian niyang gustong takasan."
"And . Today is her birthday . Ngunit tila hindi niya naalala dahil sa lungkot na nararamdaman niya" . I heard so much sadness in his voice . Tila kumirot ang puso ko matapos kong marinig iyon .
" Si Donny ang madalas na bukam-bibig niya sa lahat ng kwento niya , and i found out that she was falling for him " .
Also me , Papa .
"Can i ask you a f-ff ...."
I cut him off .
"I can't give her what she wants , Papa !" . Madiing sabi ko .
Alam ko na ang kasunod . Hindi niya na kailangang dugtungan .
Mabilis ko siyang tinalikuran at hindi ko na siya nilingon kahit pa nga tinatawag niya pa ren ako .
Umupo kaagad ako sa swing ng park na paborito naming dalawa . Gamit ang dalawang kamay na ipinantakip ko sa aking mukha ay humagulgol na ako ng iyak . Ang sakit sakit ng mga nalaman ko .
"Can i be selfish for once ?" . Kase buong buhay ko palagian nalang akong nagbibigay . Kahit ngayon lang .
"Maaari ko ba siyang ipagdamot kahit hindi siya sa akin ?"
Ilang oras pa akong nanatiling naroon . Nakatingin lamang ako sa kawalan . Mas lalong kumirot ang puso ko ng mapagtanto kong tila nawawalan ng pag asa na maging masaya kaming dalawa . Nagsisimula pa lamang , ngunit tinatapos na ng pagkakataon .
Maybe our stars are not in the same galaxy .
-
Wala akong mapagsabihan sa sakit na nararamdaman ko .
Days passed so fast . Tuloy lamang si Dons sa pagpaparamdam na espesyal ako sa kanya . Ngunit hindi ko maiwasang makaramdam ng saya . Tila may parte ng puso ko na nadudurog sa tuwing magkasama kami .
"I've got an invitation from Chloe." Isang hapong magkasama kami ay ibinalita niya sa akin . After the incident , ay hindi ko na ulet nakita si Chloe dito sa campus .
"Pero hindi naman ako pupunta , mas gusto ko yatang makasama ka" . Ng mapansin niyang tila natigilan ako pagkarinig ko sa ibinalita niya .
Maybe she's getting better .
"Ihatid mo nalang ako sa bahay , tapos pwede mo na siyang puntahan" .
Nagulat siya sa narinig .
"Hindi mo ako pipigilan ?" . Nakasimangot niyang sabi . Halatang nagtatampo . Ang cute cute niyang tingnan .
"Why would i do that ?" . Pabirong sabi ko . Kahit sa kaibuturan ng puso ko ay mayroong pangangamba .
"Akala ko lang kase , pagbabawalan mo ako . Pero pLease , pagbawalan mo naman ako" . He pouted his lips . A small smile curve in my lips .
"Okay nga lang kahit pumunta ka , magkaibigan naman kayo ni Chloe . Baka lang kailangan niya ng kaibigan ngayon" . Ngunit taliwas iyon sa sinasabi ng puso ko .
"Are you sure ? Sama ka nalang kaya ?" . Mabilisan akong tumanggi sa alok niya . Hindi ko sila kayang makita . Sa huli ay napilit ko ren siya . Ilang oras akong nag aalala sa maaaring mangyari pagkauwi ko .
Ngunit isang tawag mula sa kanya ang tuluyang nagpadurog sa akin .
"Chloe confessed her feelings to me , hindi ko akalain na sasabihin niya iyon . Akala ko magkaibigan lang kami . I told her na may mahal na akong iba . And it always been you . Galit na galit siya sa akin . Nagtatanong kung bakit di ko siya magawang magustuhan , bakit di ko siya magawang piliin . I'm confused . I didn't expect this to happen . Then , she ended up hurting herself . Ang bilis ng mga pangyayari hindi ko alam na may knife siyang dala " . Ramdam ko ang panginginig ng boses niya sa kabilang linya .
This time i questioned myself .
Paano ? Paano kita ilalaban ?
-
:(