"Thankyou sa treat mo" . Pagtukoy niya sa kinakaen naming scramble at cheeseburger ."Siyempre naabala kita , dapat lang talaga kitang itreat noh" .
"Sinong mag aakala na magkakasama tayo dito ngayon ?" .
"Huh what do you mean?" .
"Eto , yung ganito , yung sobrang close . I mean magkakilala naman tayo pero never pa yata tayong nag usap na lumagpas ng 10minutes . But this time , it was differrent" .
"Nakasama na kita sa roadtrip , magkasama pa tayong kumakaen" .
Noong sobrang gustong gusto ko pa si Marco isa ito sa mga pinangarap kong gustong gawin kasama siya . Pero ngayong totoo na siyang andito sa harapan ko ay wala naman akong maramadamang kakaiba , ni hindi ako kinikilig .
"If you wouldn't mind , bakit kayo nagbreak ng girlfriend mo ?" .
He cleared his troat before he answered my question .
"Hindi kami nag work eh"
So . Sayang yung mga luhang iniyak ko sa kanya dati dahil kagaya ng sabi ng mga kaibigan ko hindi talaga sila magtatagal . Aww , sayang yung feelings ko sa kanya noon .
"Hindi siya nagcomplain ? Hindi ka niya hinabol ?" .
"Nope . Naiintindihan niya naman na hindi talaga kami dapat magpatuloy" .
Parang ako yung nasasaktan para dun sa babae .
"May third party ba ? Oh nambabae ka siguro tapos nahuli ka niya" .
Pabiro ko pa siyang hinampas , feeling ko tuloy sobrang close ko na siya .
"Uy hindi ahh . Hindi ako babaero noh , sadyang may iba lang talaga kong gusto" .
Sabay harap niya sakin .
"Ahhh may iba kang gusto ? Edi dapat nung una palang di mu na siya pinursue" .
"Nasaktan pa tuloy yung girlfriend mo" .
"Correction . Ex . Ex girlfriend" .
"O siya ex mo" .
"Kaya hindi umuunlad yung Pilipinas eh dahil sa mga lalaking mapanakit na kagaya mo" .
Patuloy na litanya ko na tinatawanan niya lang .
"Uy sobra na yan ah . Grabe ka na saken" .
"Bakit hindi ba ?" .
"Masisisi mo ba ko kung may ibang mahal toh" .
Sabay turo niya sa puso niya . At pagkislap ng mga mata niya .
"Siguraduhin mo lang na ipupursue mo yang sinasabi mong mahal mo ah para hindi naman nakakahiya dun sa ex mong nag give way para sumaya ka" .
Bigla naman itong natigilan .
"Hindi nalang , mas okay na hindi niya na malaman" .
"Torpee masyado" .
"Kaya hindi umuunlad ang Pilipinas" .
Pang aagaw niya sa litanya ko . At sabay na kaming nagtawanan .
Saglit na nawala ang mga inis ko sa sitwasyon kanina . Ilang oras pa kaming nakatambay habang nagkukwentuhan ng mga bagay bagay tungkol sa iskwela .
Sa ilang oras na kasama ko siya . Agad ko siyang nakapalagayan ng loob . Okay siya , masarap kasama .
"Babalik ka pa ba sa St.Paul?" .
May klase pako pero wala na ren akong balak pumasok pa .
"Hindi na , uuwi na lang ako" .