Part 26:

284 13 1
                                    

Monday na ulet so it means maghapon na namang klase ang aatupagin ko . Ang aga kong umalis ng bahay , ni hindi pa nakagayak si kuya eh umalis nako . Hindi ko na ren napansin si mommy , marahil maaga ren sigurong umalis . Hindi ko na siya ulet nakausap matapos yung eksena namin kagabi hinayaan ko na kase siyang matulog . Alam ko naman kaseng hindi lang yung mata yung pagod sa kanya , maging puso niya ...

"You Left me" . Nakangusong bati ni donny sakin ng makita niya ko . Napasinghap ako sa itsura niya ang cute niya lang sa ganyang style niya .

"Marami kase akong kelangang gawin eh" . Pagdadahilan ko . Sa tuwing maaalala ko kase yung pag uusap namin ni mommy kagabi . Naguguluhan ako .

"Pwede mo namang sabihin saken at least mahihintay kita para sabay na tayong papasok diba ?" . Nagtatampo pa ren eto . Gusto ko man siyang suyuin pero pinipigilan ko yung puso ko .

"Kase nga , i have a lot of things to do . Sorry na" . Kahit pilit ay nasambit ko pa ren . Biglang nagliwanag yung mukha niya . Bakit ambilis namang maglightened up ng mood niya ? Isang pilit na sorry lang sa kabila ng pang iiwan ko sa kanya . Tskkk . Ang rupok ...

"Basta mamaya sabay tayo ah , May ipapakita ako sayo" .

"Yeah sure" .

"Hi dons" . Si chloe na hindi ko namalayang nakalapit na pala samin . Naghi lang may beso pang kasama . Eto namang si donato di marunong umiwas , tanggap lang ng tanggap .

"Hello chloe , what brought you here ?" .

"Kanina pa kase kita hinahanap eh , I have something to tell you" . Excited netong pagsasalita . Nakahanap ako ng tiyempo para makaalis . Nasosuffocate ako sa harap nilang dalawa .

"I have to go dons , enjoy" .

"Wait , hatid na kita sa room mo" .

"No , i can manage" .

At agad ko na silang tinalikuran .

"Dons my dad are back in the country" . Hindi nakaligtas sa pandinig ko yun kaya saglit akong natigilan .

"And he wants to meet you" . Masayang pagkukwento neto . Tinatagan ko ang mga hakbang ko upang tuluyang makalayo sa kanila .

----
Donny's Pov :

6am palang naghihintay nako ng text mula sa kanya , mostly kase maaga siyang nagmemessage lalo na pag sabay kaming papasok sa school . Pero wala ni isang text galing sa kanya . Ang aga aga ko pa naman gumising . Agad nakong gumayak para mapuntahan ko siya. May mga pagkakataon kase na hindi na lang siya magtetext tapos ieexpect ko na nauna na siya kaya hindi ko na siya dadaanan sa kanila pero pagdating sa school mas nauna pa pala ko , at pag nakita niya ko na mas nauna pa sa kanya katakot takot na pagbubunganga ang aabutin ko . Napangiti ako sa mga alaalang yun mabunganga pero mahal mo napapailing kong bulong sa sarili ko ..
Buti pa nga yun halos buong buhay kong kasama sa pagpasok sa school , eh si hannah na mismong kapatid ko sapilitan ko pang bigyan ng ride papuntang school . Kahit gaano kakulit si hannah hindi niya ko napipilit haha kaya wala siyang choice kundi magpahatid kay dad . Alam niyo yung dahilan ? Simple lang , ayokong napapalitan yung amoy niya sa kotse ko . Gustong gusto kong nalalanghap yung amoy niya sa kotse ko and since siya nga lang ang madalas kong kasama nagstay na ren dun yung scent niya , kaya pag may ibang nakasakay nababadtrip ako . Hay Donato .From 1to10 Gaano ka kainlove ? 😂

Mabilis ko nang pinaandar ang kotse ko papunta sa bahay nila . Sisipol sipol pako pagpasok ko sa gate nila. Naabutan ko si yaya lucia na nagdidilig ng halaman , halos eto na ang nakagisnang tagapag alaga ni kirsten mula noon kaya hindi maitatangging maging siya ay malapit dito . Agad niyang sinundot ang tagiliran neto na ikinaigtad ng matanda .

"Ay diosko kang bata ka , aatakihin ako sa puso sayo" . Sabay hampas niya saken .

"Magandang umaga po nay" . Natatawa kong bati sa kanya .

"Nakoo talaga namang batang ire , ang hilig hilig manggulat" .

"Nagulat lang po kayo kase paglingon niyo may gwapo po agad sa harapan niyo" .

"Hay antonio ikaw talaga , sabagay bakit ba pagkagwapo mo naman ngayon?" .

"Lunes po nay , alam mo na . Umpisa ng isang linggo na makikita ako ng mga babae sa campus na ganito kagwapo" . Pagmamalaki ko sa kanya . Sanay nakong kabiruan namen siya ni kirsten .

"Pagkapresko naman dito sa labas , halika pasok tayo sa loob ng makapag almusal ka . Sabayan mo na si Jerome ." . At hinila niya nako sa loob . Naabutan kong nag aalmusal si Jerome .

"Bro" . Sabay yung famous na handshake ng barkada .

"Ang aga mo naman , wala naman akong sinabing sunduin muko ah .Pogi naten ah." Pagpapacute neto sa kanya

"Gago , hindi ikaw bro . Utol mo" .

"Gago ka din , sorry ka nakaalis na . Bagal mo kase eh" .

"Seryoso bro ?" .

"Mukha bakong nagbibiro ? Paggising ko wala na sa kwarto niya eh" .

"Ba't naman niya ko iniwan ?" .

"Hayop sa hugot bro" . Natatawang reaksyon neto sa kanya .

"Ako nalang isabay mo , tutal andito ka na ren . Magkamukha ren naman kami ni kirsten eh" .

"Magcommute ka nalang bro" . Pagtanggi ko sa kanya . Pero siyempre biro lang .

"Iispill ko yung mga secrets mo sige" . Paghahamon neto . Pagkarinig ko sa sinabi niya ay agad ko siyang nilapitan at kunwaring sinuntok .

"Wag ganun bro , uunahan mo pako eh" .

"Kaya nga isabay mo nako" .

"Okay , you win . Bilisan mo ah ayoko ng naghihintay." .

"Pero kapag sa utol ko kahit tubuan ka pa ng ugat maghihintay ka" .

"Siyempre iba siya" .

"Naks , pag ibig" .

Napatawa nalang ako sa sinabi ni Jerome . Sa magbabarkada talaga siya yung pinakaclose ko although close naman kaming lahat pero sa kanya ko halos nasasabi yung mga ibang sikreto ko . Kagaya na nga lang ng , crush ko yung kapatid niya aksidente kong naibulgar sa kanya noon . Oo noon pa , isang suntok lang naman ang dumapo sa mukha ko ng araw na iyon . Haha isang confession isang maga ng nguso 😂 . Pero after nun sinabihan niya nakong ingatan ko daw si kirsten . So ang alam ko , boto talaga siya saken . Pero 6years ago pa yata nangyari yun , hindi na ren naman namin napag usapan ulet kaya hindi niya alam na naglevel up pa .

At ang nangyari'y sabay nga kaming pumasok sa school . Pero ng makarating doon ay si kirsten agad ang hinanap ko . Maggagalit galitan ako sa pang iiwan niya saken try ko lang kung eepekto ba. Naabutan ko nga siya , at saglit pa lang kaming nag uusap ng dumating si chloe . Ano naman kayang agenda nung babaeng yun . Tapos eto namang bestfriend ko nagmamadali na kaming nilayuan .

"My dad are back in the country " Si chloe na masayang ibinabalita sakin ang daddy niya . Yes , naikwento niya nga pala nung minsang nagmerienda kami . Pero mas nagulat ako sa sunod niyang sinabi , ipapakilala niya ko sa daddy niya . Pero bakit ? Bakit ako ? ...

Muntik na kitang MinahaLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon