Part 45 :

368 22 9
                                    

"Hoy babae anong nangyari sayo ?" . Umalingawngaw ang boses ni Devon sa kabilang Linya . Marami pa siyang sinasabi pero hindi ko na maintindihan masyadong maingay dito sa loob ng bar .

Well, malamang sa malamang ay umuusok na ang ilong nila sa galit . Sila . Dahil sigurado akong nandoon na si Sophia . Ni hindi ko man lang siya nakita . Naturingan akong kasamang nagsundo pero iniwan ko sila sa airport .

Siguro ngayon ay nasa condo na sila . At ako ? Nandito sa isang masalimuot na lugar . Inuubos ang oras sa pag inom .

"Please give me another shot" . Pakiusap ko sa waiter na tila nakukulitan na sa akin . Nag aatubili pa siya kung bibigyan niya ako o hindi pero sa huli ay inabutan niya ren ako . Mabilis ko itong nilagok at nangungulit na bigyan niya pa ako ng isa .

Umiikot na ang paningin ko at nahihilo na ren ako . Pero gusto ko pang malasing . Yung tipong sobrang lasing na makakalimutan ko lahat ng bigat sa dibdib ko .

"Bakit ba ayaw mo na akong bigyan ?" . Napataas ang boses ko sa waiter na kaharap ko . Napapagod na ang tinging ibinigay niya sa akin . But , i don't care . May pambayad naman ako .

"L-lasing na po kase kayo Maam" . Nauutal na sabi nito . "Mukha ba akong Lasing ?" . Nakairap na singhal ko sa kanya .

"Lasenggera ka na pala ngayon" . Pabulong lamang ang boses na iyon pero hindi nakatakas sa pandinig ko . Ng lingunin ko kung saan nagmula ang tinig ay mga grupo lamang ng mga kabataan ang nakikita ko .

Baka aksidenteng nahagip lang iyon ng pandinig ko .

"Fine ! Kung ayaw mo akong bigyan" . Halos matumba ako ng biglaan akong tumayo . Iginala ko ang paningin ko sa loob ng bar . Lahat sila ay nagkakasiyahan . Napako ang tingin ko sa dancefloor . Tila nag aanyaya ang musika na makihalubilo ako doon . Ilang minuto pa ay nasa gitna na ako . Nakiki indayog sa saliw ng tugtugin .

Bago sa akin ang ganitong experience . Although , nagbabar naman kami ng mga kaibigan ko pero hindi umaabot na mag isa lang akong sumasayaw just like right now . Pero kakaiba ren pala kapag ganito , malaya akong nakakagalaw . Walang nakakakilala sa akin . Walang humuhusga sa mga pagkakamali ko .

Umiikot ang paningin ko . Pero nasisiyahan ako sa paligid ko .

Ilang minuto pa akong nag eenjoy sa pagsasayaw ng may mga kamay na humawak sa akin mula sa likuran . Masyadong masikip ang dancefloor para agaran ko siyang lingunin . Bahagyang gumapang ang kilabot sa kalamnan ko ng humawak ang mga palad na iyon sa bewang . Lasing ako pero hindi ako manhid .

Ng lingunin ko ang may ari ng mga kamay na iyon ay isang nakangising lalaki ang nakita ko . Matangkad ito , gwapo , pero mukhang sanay na sanay sa makamundong kapaligiran . Gustuhin ko mang kumawala ay mahigpit ang hawak niya sa akin .

Kahit patay sindi ang ilaw sa bar ay hindi nakaligtas sa paningin ko ng suyurin niya ako ng titig mula ulo hanggang paa . Nakaramdam ako ng takot .

"Get your hands off my woman". Tinig iyon na nagpabigla sa akin . Kilalang kilala ko ang may ari ng tinig na iyon . Hindi ako pwedeng magkamali . Pero anong ginagawa niya rito ? Anong ginagawa niya sa ganitong lugar .

Tila nabigla naman ang lalaking may hawak sa akin . Agad na lang itong umalis at iniwan ako .

Ng magtama ang paningin namin ay madilim ang itsura niya . Sa pangalawang pagkakataon ay hindi ko siya mabasa .

Bago pa ako nakakibo ay padarag niya na akong hinila palabas sa lugar na iyon . Halos matumba ako sa lakas ng paghila niya sa akin . Nahihilo ako . Nabibilisan ako sa mga pangyayari .

Ng makarating kami sa labas ay agad niya na akong pinakawalan sa pagkakahawak niya .

Madilim pa ren ang anyo niya . Nakakatakot ang mga tinging ipinupukol niya sa akin .

"I- miss ..." . Hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko ng magsalita siya .

"Night Life huh ! Ganon ka na ba kapariwara ngayon ?" Mga salitang nagmula sa kanya na tila bombang sumabog sa pandinig ko .

"Im just trying to enjoy" . Hindi ko alam kung saan ako humugot ng lakas ng loob para isagot yun sa kanya . Lalong nag igting ang mga panga niya sa sinabi ko .

"Trying to enjoy ? Fuck ! Nababastos ka na wala ka pa reng pakiramdam ?" . Lalong kumuyom ang mga kamao niya . Galit na galit siya .Parang ibang tao na ang kaharap ko ngayon . Ibang iba sa dating kakilala ko .

"He's almost kissing you" .

"He's not" . Hindi ko alam kung paano ko ipagtatanggol ang sarili ko sa kanya . Tila winawasak ako ng matatalim na titig niya . Nagbabadya ang mga luha sa mata ko .

"What if i didn't come ? Baka tuluyan ka na niyang naikama ?" . Patuya ang tinig na iyon . Nanunuya pero may kalakip na galit . Umigkas ang isang palad ko sa mukha niya . Malakas iyon . Sapo niya ang pisngi niya ng muli niya akong balingan .

"How dare you Donny ! Ganon ba yung tingin mo sa akin ?" . Naluluhang tanong ko sa kanya . Hindi siya nagsalita pero hindi siya natinag sa salitang binitawan ko .

"Salamat kase dumating ka . Salamat kase nailigtas mo ako sa gagong yun . Pero , sobra sobra yung pang aakusa mo sa akin . Antagal mong nawala , at sa tagal na iyon maraming nangyari buhay ko !" Humahagulhol na wika ko . "Hindi mo na ako kilala !" .


"Kilala kita ! At sa tagal ng panahong nawala ako . Mas nakilala kita . Pero pinagsisisihan ko lahat ng iyon





dahil dapat noon pa . Hindi na kita kinilala ...."


Iyon lang at unti unti niya na akong tinalikuran .

Napatutop ako sa dibdib ko sa sakit na nararamdaman ko .

Ang sakit sakit .

Bumabalong ang luha sa mga mata ko .

Hindi ko na namalayan kung paano ako nakauwi .

Nag aalalang mukha ng kasambahay ko ang bumungad sa akin .


















"Maam nakatulugan niya na ho ang paghihintay sa inyo" .


Muling nag uunahang pumatak ang mga luha ko sa sinabi niya .

--

Hey there dks 💖
Here's a short update since nahahighblood yata kayo kay Donny Hahaha .

Wag niyo siyang sisihin . Karapatan niyang magalit . Charot !

Thankyou for reading guys ...

Don't forget to vote sa bawat chapter .

P.s :

Sisipagan ko na . Ayokong umiinit ulo niyo . Hahaha

Mahal ko kayo 💖











Muntik na kitang MinahaLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon