Donny's POV :
"Bakit ako ? nagtataka kong tanong kay Chloe . I mean magkakilala naman kami dati pero kelan lang kami totally nakapag usap kaya nakakabigla naman kung basta basta niya nalang ako ipapakilala sa daddy niya. Pero sa nakikita kong saya sa mga mata niya hindi ako makahanap ng mga salita para tumanggi.
" You're always been our topic kase" . She's blushing . Kung ibang lalaki lang ako malamang kinikilig nako. Pero wala akong maramdamang kakaiba . Naalala ko pa noong minsang nagkausap kami ni kirsten , ill ask her kung may balak ren ba siyang ipakilala ako sa daddy niya as her bestfriend pero di maipinta yung mukha niya kaya alam kong ayaw niya .
"I hope na maconsider mo yung invitation ko dons" .
"I'll try chloe" .
"Okay , see you Later" .
Hindi ko alam kung makakapunta ko pero nakakahiya naman kung tatanggihan ko lang, samantalang yung rason ko lang naman ay hindi ako komportable . Ah basta , bahala na mamaya .
+-----
Kisses POV :
Wala akong gana makinig sa tinuturo ng prof ko . Naglalakbay kase sa kung saan saan yung mga braincells ko . Arghhhh hindi pwedeng ganito .
"Ms.Delavin ? Why are you not paying attention ?" . Si Mrs.Santiago na nahalata nako sa pagkatulala ko . Haysss . Malas na araw mukhang masasabon ako ng bongga .
"Are you sick ? Pwede ka namang pumunta muna sa clinic" .
"No maam , im fine sorry for interrupting you" . Hinging paumanhin ko . Paglingon ko sa likod nakatingin lang saken ng masama si devon .
Mabilis natapos yung klase ko , kahit wala naman akong naintindihan ni isa sa mga tinuturo niya , okupado kase ng ibang bagay yung isip ko .
"Hi" . Si Marco na nabunggo ko na pala sa sobrang pagkalutang ko . Kung ako lang yung dating kirsten malamang nagwawala nako sa kilig sa ganitong simpleng hi .
"Hello , sorry" .
"No its okay" . Ganting ngiti niya . Ang gwapo pero hindi na kagaya dati na pag ngumingiti siya ng ganyan nahuhulog na kaagad yung puso ko .
"Excuse Me , may pupuntahan pa kase ako" . Pagputol ko sa usapan namin .
"Okay kirsten , nice seeing you today" .
At iniwan ko na siya . Agad ko namang minessage si donny .
To Donny :
End na ng class ko , sabay ba tayo ?
Na agad niya namang nireplayan .
From Donny :
Sorry kiss , May family gatherings kase kila chloe and sasamahan ko siya .
Hindi ko na muna siya nireplayan at dumiretso nako ng uwi .
Wala ren akong gana tumambay sa coffeeshop o gumala man lag kasama sila devon . Alam kong nagtatampo na sila saken pero ayoko naman pilitin yung sarili kong lumabas tapos wala ren pala ko sa mood . Unfair naman yun .
--+
"Hi Dons , sabi ko na nga matutuloy tayo eh" . Masayang bungad sakin ni chloe ng makita niya kong naghihintay sa labas ng room niya .
"I cant say no" . Nakangiting balik ko sa kanya . Ayoko lang talagang magmukhang walang kwentang guy sa paningin niya . Well it just a simple dinner with her family napakasimpleng pabor at ang unfair ko naman kung tatanggi ako .