Pagkatapos ng ilang oras na biyahe ay narating ko ren ang bahay . Parang ang tagal kong nawala . Pagbukas ng pinto ay nakakunot na noo ni kuya ang bumungad saakin .
"Saan ka galing ? Hindi ka naman siguro nakipagtanan noh ?" .
"Isang araw ka reng wala ! anong kaartehan yan Kirsten ?" .
"At may nalalaman ka pang pa palit palit ng no.!" .
Hindi ako makasingit sa dami ng gusto niyang sabihin . Dinaig niya pa yung mama namin sa panenermon niya .
"Ano ? uupo ka lang diyan ? ni hindi mo man lang ba sasagutin yung tanong ko ?" .
"Okay ! eto na sasagot nako ! pwede magrelax ka" .
"Hindi ako nakipagtanan ! dahil kung nakipagtanan ako malamang wala ako dito sa harapan mo!" .
"Mukha ngang hindi , kase kung nakipagtanan ka , malamang wala ren si Donny!" . Natatawang sabi nito na mukhang kalmado na .
Binato ko sa kanya yung unan na nadampot ko .
"Tingnan mo , nabanggit ko lang yung mokong na yun nakangiti ka kaagad" .
"Hindi noh ,paki ko ba dun?" .
"Wow kirsten ! Halos mabaliw na yung tao sa kakahanap sayo!" .
"Talaga hinahanap niya ko?" .
"Gaga ! malamang oo . Halos mapudpod na nga yung tsinelas ng tao sa kapaparoo't parito masiguro lang na nakauwi ka na!" .
Natatawa ako sa sitwasyon pero mas natawa ako sa pa gaga ni kuya . Ugaling kalye talaga Haha .
"Tapos hindi ka pa niya makontak , dahil nagpalit ka pa ng sim ! andami mong arte sis" .
"Pinag aalala mo yung tao , kung nakita mo lang yung reaksyon ni Dons nung nalamang wala ka dito sa bahay" .
"Anong reaksyon niya ? Umiiyak ba ?" .
"Wow , iba din ang confidence mo kirsten . Ganda ka ?" .
"Kuya !ano nga ?" .
" Ayun mas kumapal yung labi nung nalamang wala ka" .
Naiimagine ko na yung itsura niya ,
"Makapal naman talaga labi nun" .
"Pero huwag mo sasabihing nakauwi na ako ah" .
"Bakit ?" .
"Gusto ko siyang isurprise sa ball mamaya" .
"Daming alam" .
"Sige na kuya" . Paglalambing ko pa sa kanya .
"Sige , magkano?" .
Napairap ako sa sinabi niya . Umatake na naman kase yung pagkamukhang pera niya .
"Wala akong pera , utang muna" .
"Utang ? pinagtakpan na kita kay Mommy alam mo ba yun ? pasalamat ka nasa cebu siya at di niya alam na umalis ka ng bahay!"
"Well , thankyou for that" .
"Alis nako , may practice yung banda sa bahay nila Dons ngayon" .
"Bye Lil'sis" .
Nang aasar pa yung mukha neto ng kumakaway sakin .
Kapag nga naman may ganito kang kapatid .
"Oh eto na , huwag mo sasabihin sa kanya ha" .
"Kulang toh" .
"Haysssss , Kuya mukhang pera ka talaga" .
"I miss you lil'sis" .
Natatawa na etong umalis pagkatapos kong iaabot sa kanya .
Mabilis ko ng tinungo ang kwarto ko , kelangan ko ng maghanda para mamaya .
Kailangan masurprise siya saken .
Naalala ko ang song writing competition na dapat sasalihan namin .
Matutuloy pa kaya ?