Part 28 :

272 11 1
                                    

Kinabukasan maaga pa ren akong pumasok , as usual hindi ko pa ren hinintay si Dons . Ayoko na kase siyang abalahin na isabay ako kase kaya ko naman . Tsaka napag isip isip ko na ren na medyo dumistansya sa kanya ng konti . Lalo na ngayon mukhang ok na sila ni Chloe . After ng lakad niya kagabi napagtanto ko ng may lugar na si chloe sa puso niya , kahit ilang beses pa niyang itanggi . Nalulungkot ako, oo pero wala naman akong magagawa eh , kundi suportahan siya .

"Hoy ! tulala ka na naman diyan , kahapon pa yan ah" .

Hindi ko namalayang nakalapit na si Jane sa gawi ko .

" Ano kase ... Wala nag iisip lang ako kung sasali paba ko sa song writing competition this year" .

"Palusot pa , as if naman yan talaga yung dahilan" .

"Malapit na kase yun diba ?" .

"Siyempre sasali ka , kayo ni Donny" .

"Ako nalang siguro Jane , busy siya ngayon eh" .

Iniwas ko ang tingin ko sa mga mata ni Jane alam ko kaseng mababasa niya yung iniisip ko .

"Halos 1year niyo reng hinintay yun diba ? Tapos ngayong malapit na gogora ka mag isa" .

"Kaya ko naman kase Jane" .

"Kaya mo nga , pero pagdating ng Liveshow sino mag iinterpret ng kanta?" .

Napaisip ako sa sinabi niya . Actually last year pa naming plano na sumali talaga sa songwriting competition na yun .
Bale ako yung taga gawa ng song and then si Donny ang taga lapat ng melody .
Tapos siya na ren ang naisip kong interpreter .

Nababago talaga ng panahon yung plano ng isang tao .

"Jane , bakit hindi mo tinitigilan si kuya ?" .

Napatawa siya ng malakas bago niya ko sagutin .

"Ang desperate naman ng term na "tinitigilan" . Sinusukuan naman kiss" .

"O sige , bakit hindi mo siya sinusukuan?" .

Wala sa huwisyo kong tanong sa kanya .

"Hindi ko ren alam eh , basta nafeel ko na lang isang araw na hulog na hulog nako sa kanya" .

"Jane , are you not tired for that kind of drama?" .

"Nope , mahal ko kase siya eh" .

"Kahit wala kang assurance kung gusto ka ren ba niya?" .

"Ayoko ng assurance kiss , kung gugustuhin niya man ako edi okay . Pero kung hindi , okay pa din" .

"Bakit ka ganyan Jane?" . Naluluhang tanong ko sa kanya . Nadadala ako sa bigat ng pag uusap namin .

"Mahal ko kase yung kuya mo eh , kaya kahit hindi sigurado sumusugal ako" .

"Minsan kase kelangan mong magtake ng risk para sa isang tao" .

"Tsaka sapat na saken yung alam niyang andito ako para sa kanya , okay nako dun" .

Nakangiti siya saken . And i find her so genuine . Kalog si Jane pero napakatotoo niyang tao . Sana meron din ako ng tapang niya . Sana magkasing tapang nalang kami .

"Teka nga , nilibang muko ng todo eh napakwento tuloy ako" .

"San na nga ba tayo , sa songwriting competition diba?" .

"Oo" .

"Dami mo kaseng tanong eh , haha kahit naman anong gawin nila , Kay Jerome padin toh noh" .

At napatawa niya ko sa sinabi niya .

"Pero teka maiba tayo , may title naba yung kanta niyo ?" .

"Meron na , may melody nadin . Ipeperform nalang" .

"See , kelangan mo talagang kasama si Donny" .

"Bukod kase sa hindi ka naman bihasa kumanta , si Dons lang yung may lakas ng loob i perform yan" .

"Tsaka sikat si Dons dito sa university , malakas ang hatak niya sa tao" .

Sinalungat ko ang iba pa niyang sasabihin .

"Magaling kumanta si Donny Jane at sana yun yung makita ng mga judges at hindi yung fact na sikat siya dito" .

"Andaming sinabi , may pagtatanggol pa" .

"Oo na , magaling naman talaga si Dons eh" .

"Eh pero nasan siya ngayon ? Para sana mapractice niyo na! " .

"Ewan ko , baka papasok palang" .

"Teka nga , kahapon hindi ren kayo sabay . May tampuhan ba kayo?" .

"Tampuhan ? bakit naman kami magkakatampuhan ?" .

"Natural yun siyempre , So ano nga?" .

"Okay kami Jane , wala kaming misunderstanding" .

"Nagkataon lang na busy kami pareho" .

"Busy ? Busy ka ba ? eh bat kanina pa pala tayo nagkukwentuhan ?" .

"Gaga . Hindi naman talaga ko busy . Basta ayoko lang muna siyang kasabay , okay na ?" .

"Ophs , look who's coming sis" .

Ng tingnan ko ang direksyon ng mga mata niya ay naglapat ang paningin namin ni chloe . Oo andito siya , palapit siya samin at kasama niya si chloe .

"Hi , kiss . Hello Jane" .

"Anong ginagawa niyo dito ? wala pa ba kayong klase ?" .

"Ah , meron na . Diba jane m-meron na ?" .

Patago kong kinurot yung braso ni Jane para sang ayunan ako . Pero mukhang wa epek sa kanya yung mga senyales ko .

"11am pa , yung klase namin dons" .

Patay ka sakin mamay Janey .

"Oh , yun naman pala eh . Breakfast muna tayo , treat ko . And ohh by the way this is chloe " .

Sabay akbay nito kay Chloe . Hindi ko mapigilang mapasinghap sa nakita ko .

"Chloe , this is Jane . One of my friend" .

"Hi chloe , we see each others a lot pero never pa tayong nakapaghi ng ganito sa isat isa" .

At umiral na naman ang kadaldalan ni Jane .

"And this is Kirsten , my bestfriend since day one" .

My bestfriend .

Ng inabot niya saken ang mga palad niya'y agad ko namang tinanggap yun . Naloka lang ako ng very slight dahil imbes na beso ay handshake ba naman ang inoffer niya . Weird .

"Nice meeting you Jane and Kirsten" .

"Ikaw huh never mo nakwento sakin na may longtime bestfriend ka pala" .

Bahagyang kumirot ang puso ko sa narinig ko . Ako nakalimutan niya ? Imposible yata yun . Ako pa eh lagi akong bukambibig niyan . Ako ang laging bida sa mga kwento niya sa ibang tao , ako ang panimula ng bawat kwento niya sa kung sino man na bagong niyang kakilala . Kaya imposible na hindi niya ko naikwento .

Napakamot muna ito sa batok bago sinagot si Chloe .

"Im sorry , nakalimutan ko siyang ikwento sayo" .

And that Line hit me so hard .

Pinilit kong ngumiti .

"Lets go" .

Muli ay pag anyaya nito .

Ayokong sumama . Mabibigat ang mga hakbang ko habang sumusunod sa kanila . Si Jane naman na kasabay ko sana ,ay tuluyang humanay sa lakad nung dalawa . Tuluyan akong napag isa habang binabaybay ang daan sa coffee shop .

----

Muntik na kitang MinahaLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon