Part 46 :

423 23 5
                                    

Donny

"Saan ka galing bro ?" . Nagtatakang tanong ni Elmo .

"C.r bro" . Maikling tugon ko . After naming magkita kita sa condo ko kanina ay napagpasyahan naming sa bar na lang magcelebrate . Ukupado namin ang isa sa mga vip room .

"Dumating ka pa , gago !" . Ng makarating sa harapan ko si Jerome ay agad ko siyang niyakap . Obvious naman na sa aming apat na magbabarkada ay si Jerome talaga ang pinakaclose ko . Pero hindi ko naman sinasabing ayoko doon sa dalawa . Magtampo pa yung mga buwisit na yun .

"Long time no see , bro . Gwapo naten ah" . Panunudyo nito na ikinatawa ko na lang .

"Iba kase talaga ang nagagawa ng Paris , hayop naging tisoy" . Pang aasar naman ni Kiko .

"Mga gago kayo , huwag niyo nga akong pagtripan" . Nakangising saway ko . Kapag ganitong kasama ko ang barkada ay hindi talaga naiiwasan ang tuksuhan at murahan .

"Kumusta naman . Nakarami ka na ba ?" . Nabalot na ng tawanan ang mesang iyon dahil sa tanong ni Elmo . Umandar na naman ang kaberdehan ng mga kaibigan ko .

"Balita ko maraming liberated doon ? Napasok mo ba sila ? " Si Kiko na kanina pa nag iinit ang mga tanong sa akin . Kapag ganito talagang usapan hindi ito nagpapahuli .

"Gago hindi ako ganun!" .

"Tang inang yan , ang hina" . Hindi makapaniwalang sagot nito .

"Gago hindi ka santo Dons , huwag kang pa inosente" . Wala akong magawa kundi matawa na lang sa kanila . May isang eksenang pinapaalala sa akin ang utak ko . Napangiti ako ng mapait .

"Kayo Lang naman yung mahilig sa ganyan eh " . Pang aasar ko sa kanila .

"Gago , isa nalang pinapasok ko ngayon . Takot ko lang kay Devon" . Natawa ako sa huling sinabi ni Kiko . Totoo pala talaga yung "the more you hate , the more you love na eksena ". Look at them now , masaya . Matatag pa ren .

"Me too pare . Lately nga napapansin ko nauunder na ako ni Jane" . Napapailing na sabi ni Jerome .

"Hindi na ako makaporma ngayon , malate lang ako ng uwi lumilipad na lahat ng gamit sa condo" . Hindi matigil ang tawanan namin sa sinabi niya . Sa sobrang playboy ni Jerome kay Jane lang din pala babagsak .

Natutok ang paningin namin kay Elmo . Medyo masikreto kase tong isang toh . Pero im sure gago ren .

"Matino na ako ngayon ah" . Dipensa nito . Sira ulo talaga hindi pa naman tinatanong may paliwanag na agad .

"Sus , ikaw pa eh andami mong babae" . Panunukso ko .

"Loyal toh bro , kung meron mang gago dito si Jerome lang yun" .

"Tang ina mo" . Jerome replied .

"May girlfriend ka bro ?" Tanong ko ulet . Minsan kaseng nabanggit niya na galing siyang New York . Parang alam ko na . Pero huwag naman sana .

"Im courting someone" . Nakangiting sagot nito . Mabilis itong binato ni Kiko ng chips .

"Gago , ilang buwan na courting pa din . Matiyaga ka pala" .

"Nagtitiyaga , gusto ko talaga siya eh" .

"Tang ina , ang baduy nito" . Si Jerome .

"Gago , palibhasa ikaw yung niligawan ni Jane . Huwag ka mag aalala ichichismis ko sa kanya na nililibre mong lunch yung secretary ko" . Pangbablackmail nito .

"Tang ina mo ! Gawin mo para mabugbog ulet ako " . Nakasimangot na sagot ni Jerome . Everytime na tatawagan ako ni Jerome ay hindi nawawala sa usapan namin ang mga reklamo niya kay Jane . Well , magtiis siya dakilang playboy siya eh .

Hindi matigil tigil ang tawanan namin dahil kay Jerome .

"Eh maiba tayo , ikaw bro ? May girlfriend ka na ?" . Pag uusisa nila sa akin . Sumagi sa isipan ko ang magandang mukha ng fiancee ko .

"Im getting married" . Masayang sagot ko . Tila nabuhusan naman sila ng malamig na tubig sa narinig . Daig pa nila ang naestatwa .

"Hey ! Sabi ko ikakasal na ako" .

"Oy congrats bro" . Si Kiko ang unang nakabawi . Kinamayan niya pa ako . Ganon din si Elmo . Ang kaninang maingay na si Jerome ay tahimik lang na umiinom ng kanyang beer . Naiintindihan ko naman .

"Who's the Lucky girl , bro ?" .

"Her name is Alex , actually kasama ko siyang umuwi dito sa Pinas ." Masaya pa reng pagkukwento ko . I saw a little loneliness from Jerome eyes .

"Finally bro , sa ating apat ikaw pa yata ang mauunang ikasal . Akalain mo yun . After that .." .Hindi na naituloy ni Elmo ang sasabihin niya ng binatukan siya ni Jerome .

"Tigil mo nga yan , gago . Anyway . Congrats bro" . Kinamayan niya ako pero hindi ko mahagilap ang saya sa boses niya .

"Dito mo ba balak magpakasal bro ?" .

"Yes bro" .

"So kelan ang kasal ?" .

"Maybe one month from now" . Sagot ko

"Marami pa kase kaming aayusin" .

"About the details of your wedding ? Isusuggest ko na sa shop na lang kayo nila Devon pumunta . Their wedding services are good . " Mabilis na sagot ni Kiko .

"Seriously si Devon naghahandle na ng wedding ?" . Nagtatakang tanong ko . Wala silang naikukwento .

"Yes , business partner sila ni Kirsten . Pero basically si Kirsten pa ren ang pinaka unang may alam sa mga wedding services na yan . She's a great wedding coordinator and designer . No wonder marami ng nakakakilala sa kanila . Even some of the celebrities ." Sabad ni Elmo .

Parang may kung anong bumara sa lalamunan ko after i heard her name .

"Marami pa namang pwedeng mag ayos ng kasal mo bro , maraming offer kila Kisses ngayon" . Nakasimangot na sagot ni Jerome . Kung nakakapatay lang ang mga titig nito malamang kanina pa nakabulagta si Kiko at Elmo .

Tumango na lamang ako sa sinabi niya . I never thought na wedding coordinator na siya ngayon . Malayong malayo yun sa pangarap niya noon . Hindi siya bagay sa ganoong trabaho . Nagtagis ang bagang ko ng rumehistro sa utak ko ang mukha niya .

Sunod sunod kong nilagok ang mga alak na nasa harap ko .

Bahagya namang naiba ang usapan ng barkada matapos magsalita ni Jerome . Marahil iniiwasan lamang nito na mabanggit yung kapatid niya .

Napukaw ang atensyon ko sa isang mensahe .

"Sir naihatid ko na po yung babaeng sinasabi niyo . In case po na may kailangan pa kayo . One call away lang po ako ."

Marahas kong ibinulsa ang cellphone ko .

---








Muntik na kitang MinahaLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon