Part 49:

283 13 7
                                    

"How old is Ary ?"

MadiLim ang anyo niya habang nakatingin sa akin .

I gulped .

Wala akong mahanap na sagot . Kahit anong salita ay hindi kayang bigkasin ng mga labi ko .
Hindi ko maatim na biglang bigkasin ang mga salitang magpapabago sa buhay naming lahat .

"Stop staring at me ! , sagutin mo ang tanong ko ?" . Pansin ko ang pagkuyom ng mga kamao niya . Ang pagtagis ng mga bagang sa pinipigilang pagsabog ng galit .

"W- whyy are you asking ?" . Sa nanginginig na boses ay nabigkas ko pa ren .

"Because i deserve to know !" . Ang kaninang galit ay napalitan na ng pagsusumamo .

"Bakit ang gaan gaan ng pakiramdam ko sa kanya ? Bakit kahit ngayon lang kami nagkita ay parang kilala na siya ng puso ko ?
Bakit ?" .

"A- ary is ... " .

"Kirsten !" .Boses iyon na naging dahilan upang matigil ako sa kung ano man na dapat kong sabihin . Ng Lingunin ko ay si Sophia iyon . Lihim akong nagpasalamat sa pagdating niya . Dahil kung hindi ay tiyak na sasampalin kami pare pareho ng katotohanan .

"I was texting you , pero wala pa reng reply ? Busy ka girl ? Anyway , hi Dons " . Masiglang bati nito na nagpabawas sa tensyon na mayroon kami .

Tumango lamang si Donny ngunit nanatiling nakatuon ang mga mata sa akin . I couldn't look him in the eye . Tila napapaso ako kahit malalamig ang mga tingin na ipinupukol niya sa akin .

"Tara sa office mo , may ichichika ako sayo " . Maarteng sabi neto sa akin . Nais ko mang magprotesta ay nagpatianod nalang ako sa kanya . Gusto ko na reng umalis sa sitwasyon na mayroon kami . Ngunit bago pa man kami tuluyang makaalis ay hinigit na ni Donny ang mga kamay ko .

" Okay , fine . I'll cancel our appointment for today but it doesn't mean na hahayaan kitang takasan ang mga katanungan na mayroon ako . Mag uusap tayo mamaya " . Hindi na ako nakasagot sa bilis ng pagtalikod niya . Mabibilis ang mga hakbang niyang papalayo saa akin .

Ng makapasok sa loob ng opisina ay tuluyan ng bumuhos ang mga luha ko . Nag aalala akong niyakap ni Sophia .

Sa impit na iyak ko ay alam kong halata na ni Sophia ang mga nangyari . Hindi ako magkakaila sa kanya .

"Alam kong dito nagpunta sila Ary , dahil wala sila ng puntahan ko sa condo mo . Kaya nga nagmamadali akong pumunta dito" .

"Soph , n-atatakot ako" . Umiiyak kong sabi .

"Alam na ba niya ?" .

"Hindi . Pero kaninang nakita niya si Ary ay naramdaman ko kung gaano kalakas ang lukso ng dugo na mayroon sila . Kahit saang anggulo tingnan ay kamukhang kamukha niya ang anak ko ."

"But you didn't tell him , kaya safe pa ren ang sikreto mo" . Pangungumbinsi niya sa akin na lalo lamang nagpadagdag ng bigat sa nararamdaman ko . Napatingin na lamang ako sa kawalan kasabay ng pagdaloy ng mga alaala sa akin .

-

After he confessed his feelings to me . The night after the party ay walang pagsidlan ang kaligayahan ko . Finally , inamin niya ren sa akin ang mga salitang matagal niyang itinago sa loob ng ilang taon .

"Mahal niya ako" .

Tila isa iyong napakagandang pangyayari sa buhay ko . Hanggang sa paggising kinabukasan ay masayang masaya ako . Mabilis lumipas ang mga araw para sa aming dalawa . Magkasabay pa reng kaming pumapasok sa eskwela , hinahatid niya ako hanggang sa building namin . And right after my class , ay naghihintay na siya sa akin sa Labas . Kakain lang kami . Mamamasyal hanggang lumubog ang araw sa kanluran . Magkikwentuhan ng kung ano anong mga bagay .

Muntik na kitang MinahaLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon