Part 44 :

343 14 10
                                    

Kisses

Kung paano ako nakaalis sa lugar na iyon ay hindi ko na matandaan . Ni hindi ko na nga namaLayan kung dumating ba yung taong talagang dahilan ng pagpunta namin doon . Bawat minutong itinagal ko roon ay nagdulot lamang ng pagkadurog ng puso ko .

Nakakabaliw .

At the same time . Masakit . Sobrang sakit .

After 7 fucking years masakit pa ren pala .

Nakakaubos yung sakit .

Donny

Sunod sunod ang paghinga ko habang unti unting lumalapag ang eroplanong sinasakyan ko . At ng tuluyan itong lumapag sa lupa ay napagtanto kong nasa Pilipinas na nga ako .

Napangiti ako ng mapait .

Halos isumpa ko ang lugar na ito . Sa loob ng limang taon ay hindi man lang ako nagtangkang umuwi .

Papasok na ako sa arrival area pero mabigat pa ren ang mga hakbang ko .

Tila pinipiga ang puso ko .

Paikot ikot ang tingin ko .

Then i saw her .

At first akala ko namamalikmata lang ako .

Sa dami ng taong naroon ay sa kanya pa napako ang tingin ko .

Kapag nga naman pinaglalaruan ka ng tadhana .

Mistulang tumigil ang mundo ko ng mapagtanto kong siya nga iyon .

She looks different .

Ibang iba na siya sa dating taong kilala ko .

Pinipilit kong ihakbang ang mga paa ko pabalik .

Pabalik sa lugar kung saan walang anino niya .

Sa lugar kung saan hindi ko siya makikita .

Pero may nagtutulak sa aking wag siyang
talikuran .

Dahil kahit pagbali baliktarin man ang mundo wala akong kasalanan .

Kaya bakit ako aatras ?

Ipinagpatuloy ko ang paglalakad ko .

Ng biglang may yumakap sa akin .

I know her . Isa siya sa malalapit na kaibigan ko noon .

Pero mas kaibigan niya .

Nakipagkamustahan sakin si Devon .

Samantalang siya nanatiling walang imik sa isang sulok .

Nakatitig lang siya sa akin .

Hindi siguro siya makapaniwala na nandito ako sa harapan niya .

Hindi wasak .

Hindi malungkot .

Sa gilid ng mga mata ko ay nakikita ko ang pagtahip ng dibdib niya .

Kinakabahan siya .

Sa presensya ko ba ?

"Uhh wait , si Kisses" . Halos malaglag ang salamin niya ng hilahin siya ni Devon .

Malamig pa sa yelo ang tingin na itinapon ko sa kanya ng magkatitigan kami .

I didn't say a word .

I just nodded .

Kitang kita ko ang pagka awang ng labi niya . And her eyes .

May nakita akong gumuhit doon .

Pero hindi . Hindi siya nakakaramdam ng ganun .

Imposible .

Nanatiling blanko ang ekpresyon ko .

Pinutol lang ng kaibigan niya ang tensyon sa pagitan namin ng magsalita ito .

Nagtatanong ito kung bakit marami akong dala .

Sumilay ang masiglang ngiti sa labi ko .

Lalo na ng malapit na siya sa kinaroroonan ko .

Ng makarating siya sa akin ng tuluyan ay ikinawit ko ang braso ko sa bewang niya . Na ikinangiti niya lang .

"Im with someone" . Masayang saad ko .

"Girls this is Alex" . Pagpapakilala ko .

Hindi pa sila tuluyang nakakabawi sa pagkabigla .



"My fiancee" ....



Hindi nakaligtas sa paningin ko ang pagbagsak ng balikat niya .

At kahit ng tumalikod siya ay hindi niya maitatago ang pamumula ng mga mata niya . She's crying ..

But it was useless .

"Let's go Babe" . Pag yayaya ko .

"May homecoming party mamaya Devs , kita na lang tayo doon" . Nginitian ko lang siya .

"Nice to see you again Dons" . Yun lang at tumalikod na kami ng kasama ko .

--

Ang tigas ni Donato 😱




Muntik na kitang MinahaLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon