Isa't kalahating linggo ko na siyang hindi nakikita , kung minsan ay naaabutan ko si Ary na kausap siya sa videocall pero sa tuwing tatanungin ko naman kung sino iyon ay agad na nitong ibababa ang tawag . At aaminin kong hinahanap hanap ko ang presensiya niya .Kumusta na kaya siya ?
Alam kong sobrang namimiss na siya ni Ary .
"Baby nagtatampo ka pa ba kay Mommy ?" . Nakangiting tanong ko kay Ary , sa halip na ngitian niya ako ay malungkot lamang siyang napayuko . Parang kinurot ang puso ko sa inasal niya .
"Sorry na , hayaan mo at mamaya'y pupuntahan ko ang Daddy mo para sabihing puntahan ka niya dito" .
"Really ?" . Nabibigla niyang tanong na agad kong sinagot sa pamamagitan ng pagtango" .
Gusto ko na ren talaga siyang makausap , napakarami kong gustong itanong sa kanya . Napakarami ko reng gustong sabihin .
Maybe this is our last chance ..
Kung dati ay binitawan ko siya , sa ngayon ay gusto ko na siyang hawakan muli .
Lahat ng tao sa mundo ay maaaring maging makasarili lalo na sa larangan ng pag-ibig . Hindi laha't kayang ipaubaya ang taong mahal nila . Dahil kung lahat kayang gawin iyon , sana walang nasasaktan , walang nagtitiis .
Bata pa lamang ako wala na akong buong pamilya , si Mama na ipinaubaya si Daddy sa Mommy ni Chloe kahit pa siya ang legal na asawa . At sa batang edad ay naranasan ko na lahat ng labis na panibugho sa mga batang may kumpletong pamilya . Then i met him , siya ang kaisa-isang taong nangako sa akin na mananatili sa tabi ko kahit ano pa man ang mangyari , but destiny are against us . Kahit gusto ko mang ipagdamot siya noon , sa huli ay mas pinili kong saktan at bitawan siya .
Pero dumating si Ary sa buhay naming dalawa , aaminin ko na noong una ayaw kong makilala niya ang tatay niya . Dahil noon okay naman kami na kaming dalawa lang , pero kahit pala naiibigay mo ang mga bagay na gustuhin niya sa huli ay mayroon pa ren siyang hahanapin . She wants her Dad . At kahit ayokong magkalapit sila ay hindi ko iyon napigilan .
But the news of him being engaged to someone else makes my heart shattered into pieces . At hindi ko alam kung ang pag uusap naming ito ay makakapagpabago sa nararamdaman niya .
Gusto kong subukan hindi lang para sakin kundi para na ren kay Ary .
--
Hindi ako nahirapang hanapin ang condo niya kahit pa nga iyon ang unang beses na napuntahan ko iyon .I knocked three times before the door open . There,i saw him standing in front of me . Wala siyang pang itaas na damit kung kaya't agad akong nagbaba ng tingin . My face heated . Naramdaman ko ang pangungulila ko sa kanya sa mga nagdaang araw . All i wanted is to hug him .
Ngunit pumailanlang na ang boses niya . "You're here . Bakit ?" . Walang emosyong tanong niya .
"Ary's looking for you . Namimiss ka na niya" . I replied .
Namimiss na ren kita
"Pupuntahan ko talaga siya dapat ngayon , uhm im just preparing" .
"Sorry" . Mahinang bulong ko .
He met my eyes . Nakita ko ang kakaibang kislap sa mga mata niya . Masaya siya , sigurado ako .
"It's okay . No worries . After all may kasalanan naman talaga ako" .Nakangiting tugon niya .
"I'll just dropped here para masabi ko iyon ,hmm . Alis na a-ko" . Hindi ko matagalan ang mga tingin niya sa akin . Tila tumatagos sa kaibuturan ko ang mga mata niya . At ngayon ko pinagsisihang dumaan pa ako dito . Sana pala tinawagan ko nalang siya .