All is set . Pahapyaw kong sinipat ang sarili ko sa salamin at hindi ko maiwasang mapangiti . Ibang iba yung aura ko ngayon . Wearing my black dress and a 5 inches red heels ay handang handa nako sa mga kaganapan ngayong gabi .
Nakikini kinita ko na ang mga magaganap . Tonight is full of revelations at naeexcite ako para saaming dalawa . Gustong gusto ko na siya makita .
Ano kaya ang suot niya ? Well , kahit naman lumang damit ay ang gwapo gwapo pa ren ng lalaking yun .
Isa . Dalawa . Tatlong katok sa pinto .
Malamang si kuya lang toh , magyayaya na sigurong umalis .
"Pwede ba akong pumasok ?" . Sa pagkabigla ko ay si Mommy na pala ang nasa harapan ko . Wait . Akala ko ba ay nasa business trip siya ?
"I shouldn't miss this beautiful night my dear" . Para akong idinuduyan sa mga katagang binibitawan niya .
Hindi ako makapagsalita . Dahan dahan niyang binuksan ang isang maliit na kahon . At inilabas mula doon ang isang kwintas . It looks so expensive .
Teka ? anong nangyayari sa kanya ? Bakit parang ang bait niya naman ngayon ? Walang cold treatment ?
"Sobrang ganda mo pero mukhang hindi bagay sa outfit mo ang walang kwintas , so i'll think mas okay kung susuotin mo yan" . Sabay abot niya sa palad ko ng kahon .
Hindi na ako nagsayang ng sandali at niyakap ko siya . Hindi ko mapigilang mapahikbi ng gumanti siya ng yakap sa akin .
Ibang iba yung mommy na nasa harapan ko ngayon sa mommy na kasama namin ni kuya for a long time ago .
"That's enough kirsten , wala ka pa sa event masisira na yung make up mo" . At ayan na naman ang pagiging metikulosa niya .
"Thankyou mommy , i miss you" .
"Marami akong pagkukulang sa inyo and i think its the right time para makabawi" .
And at this very moment ay alam kong bumalik na yung mommy na pinanabikan ko sa loob ng maraming taon .
"Thankyou ma , iloveyou" . As i whispered to her .
Hindi man siya sumagot ay sapat na saakin ang pagtugon niya sa mga yakap ko .
"It's already 6:45 pm , malilate na kayo" . Bungad niya ng kumalas ng yakap saakin .
"Sige po ma , tutuloy na po ako" . Pagpapaalam ko sa kaniya na sinuklian niya lang ng matamis na ngiti .
"Enjoy the night kirsten" .
"Yes ma" .
At dali dali na akong bumaba . Naabutan ko si kuya sa sa labas na naghihintay .
"Wow , ang ganda naman talaga ng kapatid ko" .
"Hindi masyado" .
"Saan tayo sasakay kuys ? Dont tell me magcocommute tayo ? Ikaw nalang mag isa" .
"Siyempre magkokotse tayo" .
"Kotse ? nino ? kung kay donny Lang kuys , wag na . Magtaxi nalang tayo . Tara na" .
"Puro ka Donny , palibhasa kotse Lang ni Donny nasasakyan mo !" .
"Eto , dito tayo sasakay" .
Napatawa pa ako ng malakas ng buksan niya yung pinto ng sasakyan .
"Are you serious kuya ? Yan talaga yung gagamitin naten ?" .
"Ikaw Lang eh , wala kang bilib saakin" .
"Haha ikaw na , ikaw na ang close kay mommy" .
"Sakay na" .
Habang nasa sasakyan ay patuloy ang kwentuhan naming dalawa .
"Akalain mo , mula nung dumating si Mommy from Cebu ang bait niya na" .
"May yakap na , may permiso pang gamitin yung sasakyan niya" .
"Hindi kaya tinatrangkaso yun ? Ano sa tingin mo?" .
"Ayaw mo yun , yung mommy na pangarap naten dati , naging totoo na" .
"Sabagay , huwag na sanang bumalik sa dati noh" .
"Anong kakantahin niyo mamaya kuys ?" . Pag iiba ko sa usapan .
"Opm songs , si Dons may gusto nun sinang ayunan nalang ng banda"
Hindi ko maiwasang mag imagine sa itsura ni Dons habang kumakanta .
"Hoy , namumula ka" .
"Ha ?" .
"Ang pula mo , kinikilig ka ba ?" . Pang aasar neto saakin .
"Alam ko namang siya yung date mo , pero save your kilig naman para mamaya Lil'sis"
I rolled my eyes para maitago yung pag ngiti ko .
"Ba't naman ako kikiligin , eh alam ko naman kung ano magiging porma nun" .
"Hahaha lets see kung ano magiging reaction mo kapag nakita mo siya mamaya" .
"Edi kalmado pa ren" . Kung alam mo lang kuya , baka malayo pa lang takbuhin ko na si Dons kapag nakita ko siya .
"Eh ikaw sinong date mo?" .
"Haha hindi uso saakin yun , my friends are enough for tonight" .
"Ang yabang mo kuys , pansinin mo naman si Jane mamaya . Sobrang excited yun para sa gabing toh" .
"Depende , kung maganda siya mamaya" .
Mabilis ko siyang binatukan.
"Ouch , dahil diyan dideadmahin ko na yung kaibigan mo" .
"Sorry kuys , haha" .
"Sorry is not enough" .
"Nako parang alam ko na kung saan na naman mapupunta yung usapan nateng ito . Wala akong pera" .
At napuno na ng halakhak naming dalawa ni kuya ang buong sasakyan .
---+