Kinabukasan ay maaga akong nagising , nakaready na ren yung gamit ko pabalik ng Manila . Anong trip toh ? Ginawa ko lang palengke ang Legazpi at Manila . Hindi ko maiwasang mapangiti sa kalokohan ko . Kapag nga naman umaatake yung saltik ko ganito yung nangyayari .
"Apo ? mag umagahan ka muna bago ka tumungo sa paliparan." . Bungad saakin ni Lola pagkalabas ko ng kwarto .
Ng makita ko ang nakahain sa lamesa ay mabilis pa sa alas kwatro ang kilos ko upang matikman na ang mga iyon .
"Mag iingat ka apo ha , ikumusta mo na lang kami sa mama mo at kay Jerome at huwag mong kaligtaang sabihing dalawin niya naman kami dito" .
"Hindi ko po kakalimutan La" . Pagkatapos nun ay mahigpit ko na silang niyapos ni Lolo .
"Ikaw talagang bata ka , sa susunod na dadalawin mo kami , yung kami naman talaga ang sadya mo ha hindi yung ma'y sakit ng puso ka lang na iniiwasan sa Maynila" . Natatawang saad ni Lolo na my kasamang pagkindat pa .
Hindi ko maiwasang mapatawa . Nakaabala pa talaga ako sa pabigla bigla kong desisyon .
"Tutuloy na ho ako" . Masuyo kong sabi . Inihatid pa nila ako hanggang sa naghihintay na tricycle na magdadala saakin sa bayan .
"Apo , huwag mo kalimutan yung bilin ko" . At masuyo pa nitong itinapat ang hintuturo sa gawing puso ko .
"Sundin mo lang kung anong sinasabi niyan . Maging matapang ka . Tatawagan muko kapag naging nobyo mo na siya ha" .
"Sige po La , salamat po sa inyo ni Lolo" .
Pagkasakay ko sa tricycle ay mga kaway na lamang ang tangi kong iniwan sa kanila . Kinapa ko ang dibdib ko , kakaiba ang hatid na saya saakin ng bawat pintig nito .
Gusto ko ng pabilisin ang oras , gusto ko na siyang makita , gusto ko na siyang yakapin .
Gusto ko ng aminin sa kanya na gusto ko siya .
Na mula pagkabata ay humahanga na ako sa kanya .
This time hindi na ako maglilihim .
Aamin nako sa kanya .
Aamin na ako na mahal ko siya .
Na mahal na mahal ko siya .