Hila niya lang ang kamay ko hanggang sa makarating kami sa parking Lot . Ramdam ko ang nag uumapaw na tensyon sa paligid .
"Get in" . Hindi maipinta ang mukha niya at maging ako ay naguguluhan sa inaasal niya .
"Hindi pako uuwi , sabi ko kay kuya sabay kaming uuwi" . Pagmamatigas ko .
"I will call him , sakay ka na !" .
"Ayoko , tsaka bakit mo ba ako pinipilit umuwi edi ba may kasama ka naman , hinihintay ka na ni Chloe" . Nagmamaktol na ren ako , tila nahawa na ako sa init ng ulo niya .
"Please , sumakay ka na . Iuuwi na kita" . Sa pagkakataong iyon ay nawala ang kaninang kunot sa mga noo niya , malamlam na mga mata naman ang nakikipag usap sa akin ngayon .
"Im not going with you !" . Ng akmang tatalikuran ko na siya . Hindi dahil sa ayoko siyang makasama . God knows how much i've wanted to be with him . Pero kapag ipinilit ko na naman , hahantong na naman ako sa mga bagay na walang kasiguraduhan . Ako lang din ang masasaktan sa huli .
"Im sorry" as he whispered . Tila nakamagnet ang mga bisig niya habang nakayakap sa likuran ko . Naaamoy ko yung bango ng hininga niya na lalong nagpapabilis ng pintig ng puso ko .
"Bakit ba kase ang kulit mo , sinabi ko na ngang ayoko pang umuwi eh" . This time ay naiiyak na ako . Letseng puso na toh .
"Bakit iniwan mo ako ? Bakit after naten makita si Chloe at ang daddy niya ay nawala ka bigla ?" . Gustuhin ko mang sagutin ang mga tanong niya ay wala akong lakas ng loob gawin yun .
"Hinanap kita , hanggang sa magperform ako hinahanap kita" .
"Really Dons ? hinahanap mo nga ba ako?" . Marahas kong tinanggal ang mga bisig niyang nakayakap sa akin. Galit na akong humarap sa kanya . Hinanap niya ba talaga ako ? Eh mukhang ang saya saya niya nga habang kumakanta kanina . Kase alam niya nasa gilid lang si Chloe at nagchicheer sa kanya .
"Hinanap kita but to found out na si Marco lang yung kasama mo!" .
"And what about Marco ? ano naman sayo kung kasama ko siya ? kaibigan ko siya!" .
Nakita ko ang bahagyang pagkuyom ng mga kamao niya . Palala ng palala ang tensyon sa pagitan naming dalawa .
"A friend ? para sayo oo . Kase nakamove on kana sa kanya . Pero siya ? kaibigan ren ba yung turing sayo ? I saw him kanina nakita ko kung paano ka niya titigan . Lalaki ako at alam ko kapag may intensyon yung isang lalaki sa isang babae ."
"So what kung ganun nga siya ? May masama ba ? May magagalit ba ?" . Pero taimtim akong nagdadasal na sana magalit nga siya , na sana pigilan niya ko .
"Alam mo this conversation was nonsense ! walang patutunguhan toh . Babalik nako sa loob . Bumalik ka na kay Chloe" .
Ngunit nakakailang hakbang pa lamang ako ay agad niya na akong pinangko at dinala sa sasakyan niya .
"Hey , Let me go ! Donato ano ba" .
Ng maibaba niya ko sa loob ng sasakyan ay agad niyang ikinabit ang seatbelt na naroon . Galit siya pero ramdam ko yung pagiging caring niya .
"Hindi ka na babalik sa party" . Marahas na sabi niya kasabay ng pagbuhay niya ng makina ng sasakyan .
"San tayo pupunta ?" .
Pero ni isang tugon ay wala na akong narinig mula sa kanya .
Huminto ang sasakyan namin sa isang park na napapalibutan ng maraming ilaw . Tila nag aanyaya ang lugar na maglaro ang sinumang makakakita kahit pa nga kalaliman na ng gabi .