"Nakasimangot ka diyan oyyyy ! Aga aga" . Untag sakin ni Devon . Magkasama kami ngayon sa shop at nagdedesign ng mga gowns ng mga bridesmaids nila Donny . Hindi ko alam pero parang wala akong gana na gawin at pagandahin ito para umakma sa magarbong kasal niya . Muli kong naaalala ang masayang mukha ng anak ko kaninang umalis siya sa bahay para sumama sa Daddy niya . Halos hindi na nga ito nakatulog sa sobrang excitement sa lakad nila . Ng tuluyan itong makaalis sa bahay ay tanging mga kaway na lamang ang naiwan nito sa akin . Parang hinaplos ng kung anong lungkot ang puso ko ng mawala na siya sa paningin ko . Sa loob ng anim na taon na kasama ko si Ary ay ngayon lamang siya nahiwalay sa akin . Nalulungkot man ako na hindi kami magkasama ay tinitiis ko na lang , ngayong araw lang din naman .
"Emotera ka girl ! Daddy niya naman ang kasama niya . Tsaka hindi ka ba natutuwa na may daddy ng kasama yung anak mo "
Naisip ko na ren naman iyon . Matagal na panahon ang nawala sa kanila kaya sigurado akong sabik na sabik silang makasama ang isa't isa .
" I'm sure hindi naman siya mapapahamak . Unless ...." Tumigil ito ng mapansing mataman ko siyang tinitigan .
Speaking of her . Hindi ko alam kung papaano ang magiging set up kung sakaling magkakakilala sila ni Ary . Hindi ko alam kung maiintindihan ng anak ko kung sakaling malalaman niya na ikakasal na ang Daddy niya na hindi sa akin kundi sa ibang babae .
"Huwag ka na ngang malungkot riyan , Ary always dreamed to have a father at ngayong nandito na yung tatay niya huwag mo namang ipagkait yun sa kanya" .
"Namimiss ko lang yung anak ko Devs" . Malungkot na wika ko .
"Uuwi ren iyon , diba namasyal lang naman . Pero seryoso girl , paano na ang hatian niyo ng oras sa anak mo ngayong nakilala na siya ng tatay niya ?" . Hindi ko ren alam . "Hindi pa namin napag uusapan . "
"Sorry ah , pero di ba kase ikakasal na yung tao . And Later on bubuo na sila ng pamilya nung babaeng pakakasalan niya . Paano si Ary ? " . Yun din ang mga katanungan sa isip ko . Paano nga ba ang anak ko kung sakaling magkaroon na ng sariling pamilya ang Daddy niya . I want to save Ary for her biggest heartbreak dahil siguradong masasaktan ang anak ko kapag nagkataon . I don't want her to felt the feeling of being left behind .
Ipinagpatuloy ko ang mga gawain sa opisina kahit pa nga medyo nag aalala ako sa anak ko . Maya't maya ren akong sumisilip sa cellphone ko at nagbabakasaling tatawag si Ary .
Hanggang sa dumilim na at nauna pa akong nakauwi ng condo kaysa sa sa kanila .
Pagbukas pa lamang ng pintuan ay binalot na ako ng kakaibang lungkot , usually kapag dumarating ako ay sasalubungin na ako ng yakap ng anak ko pagkatapos noon ay sabay na kaming magdidinner . But this time , walang Ary na sumalubong sa akin .
I started looking for my phone , nagdadalawang isip kung tatawagan ko ba sila ngunit narinig ko na ang hagikhik ng anak ko .
Ng buksan ko ang pintuan ay naroon na nga ito . Masaya pa itong buhat buhat ng Daddy niya ."Hi Mommy , sobrang dami naming pinuntahan" . Nagulat pa ako sa dami niyang bitbit . Hindi ko na kailangan pang itanong ang mga iyon lalo na't alam kong mamaya lang ay ipapakita niya ren sa akin ang mga bagong niyang gamit .Pero mas nagtaka ako sa couple shirt nilang dalawa ni Donny .Nakasuot sila ng parehong shirt na may malaking print na nakalagay na "Daddy and Baby" . Noon kapag nakakakita kami sa mall ng pamilyang may ganoong damit ay magsisimula na akong kulitin ni Ary tungkol sa Daddy niya , at mauuwi lang kami sa mahabang paliwanagan . Kahit sinasabi niyang sapat na ako sa kanya ay hindi ko pa reng maiwasang maramdaman ang pangungulila niya sa tatay niya . Ang mga bagay na nakikita niya sa ibang magtatay na pangarap niya reng mangyari sa kanya .Napangiti ako ng makita ko kung gaano siya kasaya . For the past years ay sa school at condo lang umiikot ang buhay ni Ary , minsan kapag maluwag ang schedules ay pinipilit kong makapagbonding kami pero ilang oras lang ang itinatagal non dahil marami akong trabaho sa shop . Pero iba ngayon , maligayang maligaya ang anak ko .