Part 19 :

363 19 3
                                    

Nagpahatid na ko sa kanya , dahil medyo Late na , wala na ren naman kaming pag uusapan, naubusan na ren ako ng itatanong sa kanya . Pagkarating ko sa kwarto ay ibinagsak ko ang sarili ko sa kama . Nalulungkot ako , parang pinipira piraso ang puso ko . At dahil yun sa kadahilanang , ramdam kong nagmamahal na siya . Yung mga kislap pa lang ng mga mata niya alam ko na agad na may kakaiba . Yung mga ngiti niya , mga ngiting matatamis na ngayon ko lang din nakita . Kanina habang kausap ko siya pinipilit kong pasiglahin ang sarili ko , pinipilit kong sumang ayon na sinusuportahan ko siya . Pero sa kaibuturan ng puso ko gusto kong tumanggi , gusto kong pigilan siya na magmahal ng iba , salungatin yung mga desisyon niya . Pero sino ba ko ? kaibigan lang ako at hindi tungkulin ng kaibigan ang pakialaman ang mga desisyong ginagawa niya , kundi dapat andito lang ako para sumuporta . Hindi ko namalayan ang pagtulo ng luha ko , at ang pagbalik ng mga memory nung mga bata pa kami .

-------
Flashback:

"Hi kiss " . Nagmamadali siyang tumakbo palapit saken . Pansin kong nakabihis siya actually maganda ang suot niya , pero hindi naman siya mukhang magsisimba . May family gatherings siguro silang pupuntahan .

"Ba't nakabihis ka ? akala ko ba magbabike tayo ngayong araw tapos lilibutin naten yung buong subdivision ? Aalis ka naman yata eh " . Nakasimangot kong tugon sa kanya .

"Magkikita kami ni mommy ngayon" . Masaya niyang sagot saken . Tama ba ang narinig ko ? Umuwi na ulet ang mommy nya pagkalipas ng maraming taon ?

"Umuwi na siya , kanina nga tumawag siya sabi niya ipapasyal niya daw kami ni hannah . Excited nako kiss" .

"Pumayag si tito na sumama kayo sa kanya ? " .

"Oo naman , naiintindihan ni daddy na kailangan din namin ng time para magkasama , Tsaka kanina pa nga sila nag uusap ng seryoso eh" .

"Sige , alis ka na" . Umakma akong tatalikuran siya ng bigla niyang hinawakan ang kamay ko . Nabigla ko sa ginawa niya pero hindi ako nagpahalata .

"Mamaya pagbalik ko magbabike tayo , ano bang gusto mong pasalubong ? Ibibili kita" malambing niyang suyo sakin .

"Wala , sige uuwi nako" .

"Wag kana muna magbabike ah , hintayin muko okay ?" .

"Kaya ko namang libutin yung buong subdivision kahit di kita kasama" . Naiinis kong sagot sa kanya .

"Hintayin muko , mamaya mapano ka tapos wala kang kasama . Tsaka hindi ka pa ganun kagaling kaya dapat kasama muko . Promise babalik ako agad". nakangiting sagot niya . At sinanay niya ko sa ganyang pamamaraan , sinanay niya ko na hindi ko kayang gawin ang isang bagay ng wala siya . Lagi siyang andyan para sakin , lagi siyang nakahandang alalayan ako .

Kahit na sinabi niyang hintayin ko siya ay itinuloy ko pa ren ang pagbabike , nalibot ko na nga ang buong subdivision at pabalik nako ng biglang natanggal ang kadena , at sa huli ay bumagsak ako sa kalsada . Nagkasugat sugat ako pero diko magawang umiyak kahit masakit , sanay akong hindi umiiyak kahit nasasaktan ako , lalo na pag kaharap ko ang mommy ko . Nahihirapan akong tumayo ng may mga kamay na umalalay saken , at hindi nga ko nagkamali nandito siya , sinundan niya ko .

"Diba sabi ko naman sayo hintayin muko ? Hay nako ang kulit kulit talaga" . Napapailing niyang sabi .

"Kaya ko naman , di lang talaga nakisama yung kadena ko" . I rolled my eyes habang sinasabi ko yun sa kanya .

"Tara daan muna tayo sa amin , gagamutin ko yang sugat mo" . At inalalayan niya nga ko hanggang sa makauwi kami . Since malapit lang ang bahay namin sa kanila , pinilit niya munang sa kanila kami tumuloy . Nagpaalam muna siya saken para kunin yung first aid kit sa loob .

Muntik na kitang MinahaLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon