Maaga pa ren akong pumasok sa shop kahit na wala pa akong tulog . Hindi talaga ako pinatulog ng mga tagpo kagabi . Hindi ko maiwasang malungkot .
"Goodmorning" . Tinig iyon na nagpabalik sa huwisyo ko . Ng tingnan ko ang pinanggalingan ng boses ay lalo lang kumirot ang puso ko . Ang aga aga naman .
Nakangiting nakatitig sa akin ang babaeng kasama niya . Habang siya ay malamig ang tinging ipinupukol sa akin .
Anong ginagawa nila dito sa shop ko ?
"Im looking for Devon , may meeting kase kami ngayon " . Ilang minuto ako nag atubiling sumagot . Parang kinakain ng kung sino ang mga salitang gusto kong ilabas .
"B-baka Late lang yun , pwede ko namang ipaalam sa kanya na pumunta ka" . Kahit kinakabahan ay nakuha ko pa reng isatinig iyon .
"Importante yung pag uusapan namin" . Saad niya . Marahan siyang hinahaplos haplos sa braso ng babaeng kasama niya .
"We can wait here , right babe?" . Nakangiting tinugunan lamang ito ng ngiti ni Donny . Para akong pinapatay sa bawat tinginan nila .
Maya maya pa ay iniluwa ng pintuan si Devon nagulat pa ito ng makitang may ibang tao sa shop . Ng magkasalubong ang tingin namin ay nag iwas lang ito ng tingin. Halatang may inililihim . Tahimik lang ako maging ng batiin nito ang mga bisita .
"Late ka sa appointment naten Devs" . Nakangiting biro ni Donny sa kaibigan ko .
"Tss . May hang over pa ako" . Sagot nito na ikinatawa lang ng mga bisita .
"So , can we start now ?" . Napangiwi si Devon sa tanong nito .
"Hmm kase Dons hindi naman talaga ako ang naghahandle ng mga wedding details na yan" . Lalong sumikip ang dibdib ko ng mapagtanto ko na ang dahilan ng ipinunta nila dito . "Si Kirsten pa ren ang incharge sa mga ganyan eh" .
Kung pwede lang takasan ko silang tatlo ay ginawa ko na . Sobra sobra na ang sakit na nararamdaman ko . Alam kong may fiancee na siya . Alam kong may babae na siyang nahanap na mas higit sa akin . Pero yung ipamukha sa akin na talagang hindi na siya mapipigilang pakasalan ito ay lubos na nagpapaguho sa mundo ko .
At dito niya pa talaga sa Pilipinas balak gawin ang kasal niya. At sa dinami rami ng wedding shop, dito niya pa naisipang pumunta sa lugar ko . Nananadya ba talaga siya ?
"Excuse Me" . Tuloy tuloy ko na silang tinalikuran . Kailangan kong suminghap ng hangin dahil parang nauubos ako .
Ng makarating sa labas ay tuluyan kong pinakawalan ang mga luhang kanina pa nagbabadya sa mga mata ko . Naitakip ko ang isang palad ko sa bibig ko upang hindi kumawala ang mga hagulhol ko .
"You're unproffesional . Ugali ba ng isang wedding coordinator na kagaya mo ang talikuran ang kliyente niya ?" . Dumadagundong ang boses niya sa likuran ko . Hindi ko akalaing susundan niya ako .
Pinalis ko ang mga luha ko sa mata ko bago ko siya tuluyang hinarap .
"Sa ibang shop ka na lang pumunta" .
Umigting ang mga panga niya sa sinabi ko .
"I heard you're one of the best wedding coordinator in town , bakit ako pupunta sa iba Mrs.?
May diin ang pagkakasabi niya sa huling salita . Natatakot ako para sa mga susunod na sasabihin niya .
"Naayos mo nga ang sarili mong kasal , bakit yung sakin hindi mo magawa ?" Randam ko ang galit sa boses niya .Napapikit ako sa pagdaloy ng mga alaala sa isip ko .
Flashback :
Malakas ang ulan noong araw na iyon . Napapabalita kaseng may paparating na bagyo . Ng buksan ko ang gate ng bahay namin ay bumuluga siya sa harapan ko , natutulog siya habang umuulan . Basang basa na siya pero wala siyang pakialam . Dito ko ren siya iniwan kagabi .Dito ko ren siya ipinagtabuyan at pinagsalitaan ng masasakit pero bakit hanggang ngayon nandito pa ren siya ? Hindi siya umuwi , dito siya nagpalipas ng gabi habang ang lakas lakas ng ulan ?
Naramdaman niya siguro ang presensiya ko kung kaya't nagmamadali siyang bumangon . Ng makita niya ako ay kumislap ang kanyang mga malalalim na mata . Marahil ay hindi siya nakakatulog ng maayos . Tumutulo ang mga buhok niya dahil sa patak ng ulan .
Ng akma niya akong yayakapin ay umiwas ako . Malamig ko siyang binalingan .
"Bakit nandito ka pa ?" . Ng tingnan ko siya ay nakangiti pa ren siya . Hindi niya alintana ang pagod na pagod ng itsura niya . Bahagya na reng tumutubo ang mga bigote niya na dati nama'y hindi niya hinahayaan .
"Hinihintay talaga kita" . Paos ang tinig niya ng sagutin ako . Marahil ay sanhi iyon ng pagpapaulan niya .
"Umuwi ka na !" . Pagalit na sigaw ko . Anong salita pa ba ang dapat niyang marinig para tigilan niya na ako .
"Hindi kita kukulitin , Hinintay kita kase gusto ko lang na makita kita" . Kahit umuulan ay hindi nakaligtas sa akin ang panunubig ng mga mata niya .
"Nagsasayang ka lang ng oras Donny , umalis ka na . May lakad pa ako" . Matigas ang mga salitang binitawan ko pero hindi man lang siya natinag para iwan ako .
"Ihahatid na .."..
" Kami actually . " . Yun pa lang ang sinasabi ko ay yumugyog na ang mga balikat niya . Malakas iyon pero ipinagwalang bahala ko na lang . Matatapos ren siya sa pag iyak .
Ilang minuto pa bago siya tumahan . Ng mag angat ng tingin ay malungkot siyang nagsalita .
"Ihahatid kita roon para alam kong safe ka" .
"Naririnig mo ba yung sinasabi mo ? Bakit ba hindi ka na lang umuwi o kaya pumunta kay Chloe tutal ikaw naman ang kailangan niya . Ikaw lang ang nagpapakalma sa kanya . Sayo siya gagaling hindi ba ?"
Umawang ang labi niya sa sinabi ko . Batid kong nabibigla na naman siya sa sakit ng mga salitang binibitawan ko .
"Kausapin mo naman ako , maaayos pa naten toh" .
"Hindi na natin toh kayang ayusin " .
Muling tumulo ang mga luha sa mga mata niya .
"Huwag mo naman akong bitawan"
Kung bakit naman kase napakatagal ng oras kapag kausap ko ang isang toh .
"Nakikita mo ba yung sarili mo ? Ang desperado mo na" .
Yun lang at mabilis ko na siyang iniwan . Naririnig ko pa ang malakas na pagtawag niya sa pangalan ko . Ng lumakas ang ulan ay nanatili pa siya roon . Hindi ko na siya nilingon .
--
"Hindi na bago sayo ang mag ayos ng kasal . Oh baka naman nagpapataas ka pa ng presyo ? Magkano ba ang serbisyo mo ? " Nanunuyang sabi niya na nagpabalik sa akin sa kasalukuyan .
Nakita ko siyang may hinugot na puting papel sa wallet niya .
" Here " . Inilagay niya sa iyon sa palad ko . Dumaloy ang bolta boltaheng kuryente sa katawan ko ng magkadikit ang mga palad namin .
"My fiancee wants that kind of gown , two days from now babalik na siya sa Paris gusto kong makita niya yang gawa na bago siya umalis" . Hindi pa ako pumapayag pero dinidiktahan niya na ako . Akala niya ay ganon lang kadali iyon .
"Wedding ko lang naman ang aasikasuhin mo , unless may problema ka doon" . Tuluyan niya na akong tinalikuran .
Napahilot ako sa sentido ko .