After almost 2hours ng biyahe nakarating kami sa isang amusement park . Kinakabahan ako pero ang saya saya ng pakiramdam ko . Pagkababa ko ng sasakyan ay masaya kong iginala ang aking paningin .
"Welcome to amusement park again kiss" nakangiti niyang sabi sakin . Hindi ako makapagsalita para lang akong natulos sa kinatatayuan ko .
"Eto lang naman yung dahilan kaya nagskip ako sa training" . Nakatitig lang ako sa kanya habang nangingilid ang mga luha ko . Ilang taon na nga ba akong hindi nakakapunta sa lugar na ganito ?
"Hey,cheer up kiss ,Do you Like it ?" nakangiti niyang tanong sa akin . Hindi nako nag atubili at niyakap ko siya ng mahigpit .
"Thank you so much dons , hindi mo alam kung gaano mo ako napasaya" .
"You deserve to be happy kiss , this is the least i can do ." nakangiti niyang sagot .
Bumitaw ako sa pagkakayakap sa kanya at tinitigan siya .
"ALam ko namang gwapo ako , di mo na kailangang sabihin" pabiro netong sabi .
"thankyou ulit" .
"Go on , naghihintay na sayo yung mga kabayong yun" . Sabay turo niya sa carousel .
"Sakyan mo na siLa""Sama ka na"
"No , dito nalang ako . Enjoy " .
Hindi ko na siya napilit na sumama kaya dali dali nakong tumakbo sa carousel at sumakay . Ibang klaseng saya ang naramdaman ko ngayong araw . Kelan nga ba ko huling napunta dito ? Ah , siguro nung mga panahong may tatay pako . Nung mga panahong dalhin niya lang ako sa lugar na ganito ay sumasaya na yung batang kaisipan ko . Napatingin ako kay Donny na busy sa pag aayos ng camera niya .
"Bakit ang swerte swerte ko sayo . Sayo na kaibigan ko ? " .