Daddy Mahal kita

514 13 0
                                    

For my Daddy---

Daddy Mahal kita,

Sana iyong mabasa,

Tula na aking kinatha,

Sayo lang at wala ng iba.

Daddy Mahal kita,

Iyan ang aking panimula,

Kahit nasa malayo ka,

Ikaw pa rin ang naaalala.

Daddy Mahal kita,

Sana iyong makita,

Tula na ako ang gumawa,

Maipamalas at maipadama.

Daddy Mahal kita,

Mag-ingat ka sana,

Nasa tubig man o lupa,

Panalangin ang siyang simula.


Daddy Mahal kita,

Kahit di tayo'y magkasama,

Mahal na mahal kita,

Pakatandaan mo sana.

My PoemsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon