Ngayon ay akin nang sisimulan
~sisimulan ang katapusan ng ating ugnayan
Kahirap man ngunit kailangang panindigan
Nang digmaan ay di na umabot sa kasukdulan.
Sadyang walang tuwid sa lupang daigdig
Kaonti lang itong nagmamalasakit
Kung mayroon naman lubos ang pagkapit
Itoy mawawala kung danas ng di umuukit.
Ngunit ano ba ang dahilan?
Kung bakit akoy nahihirapan
Sino ba ang dapat na sisihin?
Sa lahat itong aking pasanin.
Ililihim nalang hanggang sa maglaon
Isisinungaling, ipakababaon
Ililikod nalang itong mga layon
Upang manatili doon sa kahapon.

BINABASA MO ANG
My Poems
PoesiaPoems about God, family, friends, heartbreaks, love, etc. Written by yours truly! Highest Rank Achieved: #7 in Poetry