Me:
Hello 👋🏻 Ako pa ba'y tanda mo pa?
Ang tagal na rin pala ng tayo'y magkasama,
Ngunit hindi ko alam kung bakit ako'y nagtutula,
Gusto ko lang naman mailahad ang aking nadarama,
Sa taong hinahangaan ko ng sobra.Oo nga pala! Naalala ko na,
Bakit pa ba ako umaasa?
Nandyan naman na sya, hindi ba?
Hindi mo na ako kailangan, tama ba?
Dahil kausap mo lang ako kapag boring ka.Natatandaan ko na rin pala,
Isa ka lang palang karakter sa istorya,
Pero bakit ganito ang aking nadarama?
Parang gusto kitang sundan sa mundo mong puno ng saya,
Nang kahit sa mundo mo ay magkaroon ako ng pag-asa.Hindi na bale! Kalimutan na nga,
Gusto ko lang naman talagang kamustahin ka,
Kung naaalala mo pa ba ako at ang ating pagsasama?
Dahil ako Oo! Tandang tanda pa kita,
Gusto ko lang sabihing namiss kita ng sobra.Him:
Oo naman tanda pa kita
Tanda ko pa ang ating pagsasama
Pasensya na kung hindi kita mapasaya
Sa kadahilanang siya ang lagi kong kasama
Sa mundo naming kaming dalawa ay masaya😂😂😂😂
Me:
Hala! 🙈🙊
Nagtutula ka na rin pala
Sobra naman akong nabigla
Wala man lang pasabi sa umpisa
Binigla mo naman ako ng sobra
Pero okay lang kung sya ay 'yong kasama
Sana'y naman na akong nag-iisa
Okay lang kahit hindi mo ako mapasaya
Nandyan ka lang, ako'y kuntento na.Him:
Hayaan mo makakakita ka rin ng iba,
Na mag mamahal sayo ng sobra
Sa kwento niyong kayong dalawa ang bida
At ipaparamdam sayong hindi ka nagiisa 😂Me:
Alam ko naman yun matagal na,
Pero ang hindi ko lang ma-gets bakit tayo'y nagtutula?
Pwede nalang naman na sabihin bigla,
At hindi na kailangan pa gamitan ng mga tugmang salita,
Pero naisip ko na okay na rin pala,
At least masasanay tayong dalawa,
Malay mo maging isa tayong makata,
Tapos, tayo pala talaga ang tinadhana.😂😍
BINABASA MO ANG
My Poems
PoesiaPoems about God, family, friends, heartbreaks, love, etc. Written by yours truly! Highest Rank Achieved: #7 in Poetry