Paalam

388 4 0
                                    

PAALAM

Paalam, unang bungad ko sayo,
Paalam sa mga magaganda mong salita na sobrang ginusto ko,
Sa mga pa-effort mong tawagin na nauuwi sa pagkalito,
At sa pag-sabi mo ng mahal mo ako kahit hindi sigurado.

Paalam, Sa pag-ibig kong minahal ka lang naman ng totoo,
Sa pagsabing "Okay lang" kahit nasasaktan na ako,
Sa pag-iisip ng ikaw at ako ay merong Tayo,
Sa pagiging tanga ko dahil lahat ay binigay sayo.

Paalam.. Paalam ang huli kong sasabihin sayo,
Dahil napatunayan ko na sa sarili ko,
Na ang salitang IKAW at AKO,
Ay kailanman'y hindi na magtatagpo.

My PoemsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon