Oo! Kaibigan mo lang ako,
At hanggang duon lang ang tingin mo,
Pero kahit kailan hindi mo nalaman ang totoo,
Na para sa akin ay parang "tayo".Oo! Ang tanga tanga ko,
Minahal kita, kahit hindi ako sigurado,
Ano nga bang alam mo?
Feelings ko nga parang wala lang sayo.Walang "TAYO", tanggap ko!
kasi ang meron lang "IKAW" at "AKO",
Pano ako susugal? Kung sa una palang alam kong talo na ako ,
kasi maliwanag pa sa buwan na magkaibigan lang tayo.Mawawala din naman ito di ba?
Yung saya,
Yung kaba,
Yung kapag nakikita ka,
Parang di na ako maka-hinga.Mawawala din naman ang lahat ng iyan, hindi ba?
Kasi darating ang araw na hindi na ako malilito,
Hindi na ako malilito kung ano nga ba talaga tayo,
Hindi na ako malilito kung hanggang saan lang ba ako,
Dahil sawa na akong umasa, umasa na hindi sigurado kung totoo.Isang araw tinanong mo ako,
Ano nga ba talaga ang gusto mo?
Kaibigan na pang-matagalan
O relasyon na walang patutunguhan?Tama na. Ayoko na.
Hanggang kaibigan nalang talaga.
Dito nalang ako sa tabi mo,
Hindi na kailanman magtatanong kung ano nga ba tayo,
Hindi na kailanman lalayo sayo,
At mananatili sa piling mo kahit kailan mo gusto.Kaibigan,
Hindi kita iiwan, hindi kita pababayaan,
Kahit sobrang sakit, titiisin ko nalang,
Manatili lang sayo, magpakailanman.

BINABASA MO ANG
My Poems
PoetryPoems about God, family, friends, heartbreaks, love, etc. Written by yours truly! Highest Rank Achieved: #7 in Poetry