INGGIT
Maganda ka, hindi naman ako nalalayo
Sexy ka, ganun din naman ako
Pero lahat ng lalaking gusto ko
Bakit napupunta sa iyo?Kapatid ang turing natin sa isa't isa
Kasama sa bawat lumbay at saya
Pero bakit parang nag-iiba?
Sa tuwing tayo'y pinagkukumpara.May mga bagay na hindi tayo nagkakasundo
Katulad nalang ng pagkagusto nila sayo
Ako'y nakatago sa dilim sa likod mo
Kailan man hindi naging perpekto sa paningin nyo.Pagka-inggit ang namutawi sa katawan ko
Pagka-inggit dahil lahat ay ikaw ang gusto
Pagka-inggit dahil lahat ng mahal ko napupunta sayo
Pagka-inggit dahil hindi ako katulad mo.Kailan mapapawi itong inggit sa katawan ko?
Na sa tuwing makikita kitang masaya nalulungkot ako
Minsan ng naisip na mawala dito sa mundo
At kailan man hindi na magpakita sa inyo.Ako ang may gawa pero ikaw ang pinupuri
Nakatingin lang sayo habang nakangiti
Iniisip na minsan ay mabati
At sa huli ay ako naman ang mapili.Uulitin ko ulit sa umpisa
Kung paano nagsimula itong tula
Maganda ka, sexy ka, lahat ay gusto ka
Pagka-inggit ko sayo, hindi na yata mawawala.

BINABASA MO ANG
My Poems
شِعرPoems about God, family, friends, heartbreaks, love, etc. Written by yours truly! Highest Rank Achieved: #7 in Poetry