Na-update namin ang aming Mga Alituntunin sa Nilalaman.
Suriin ang pinakabagong mga alituntunin para patuloy na makapagbahagi ng mga kuwento nang ligtas.

Amang kahanga-hanga

1.2K 16 4
                                        

Aming inaalay tulang kinatha

Para sa mga taong tinatawag nating "Ama".

Kaakibat ay pag-ibig, sa pagbigkas ng bawat salita.

Abot langit na pasasalamat, nais iparating at ipadama.

Upang tugunan ang aming pangangailangan

Lahat ay gagawin, walang hindi susubukan

Sana'y pagdating ng araw aming masuklian

Ang inyong paghihirap, pagod at kabutihan.

Mapalad na tayo'y biniyayaan

Ng mga ama na tila anghel ang katangian

Ginagapang ang lahat, para sa ating kinabukasan

Kaya nama'y lubos namin kayong hinahangaan.

My PoemsMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon