Kapag nagmahal ka...

299 4 0
                                        


Kapag nagmahal ka, 

Mararamdaman mong sobrang saya,

Kapag nagmahal ka,

Hindi mo mararamdamang ika'y nag-iisa.


Kapag nagmahal ka,

Tunay kang mahalaga,

Kapag nagmahal ka,

Magiging tapat sya.


Pero bakit nung minahal kita,

Hindi ko makita ang halaga,

Hindi ko alam kung ako ba talaga,

Mahal mo ba ako o may mahal kang iba?


Naalala ko na,

Nung gabing susundan kita,

Nakita kong may kahalikan kang iba,

Ako ba'y pinagpalit mo na?


Bakit ako pa?

May nagawa ba 'kong hindi maganda?

Nung sinabi mong mahal kita,

Akala ko forever na talaga.


Nasaktan ako ng sobra,

Nang malaman kong may iba ka na,

Hindi mo sinabing ako'y pinagpalit mo na,

Hanggang ngayon ako'y umaasa pa.


Hindi ko kakayaning mag-isa,

Hindi ko kakayaning mawala ka,

Dyan ka na, wag ka ng lumayo pa,

Balikan mo ako't muling magsimula.

My PoemsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon