Mahal

920 13 4
                                    

Ang sakit isiping nagmahal ako ng tapat

Binigay at ginawa ko ang lahat

Tapos iiwan ka rin pala't

Na parang tangang ginawa mo ang dapat.


Mahal kita pero mahal mo siya

Sabi mo ako lang at wala ng iba

Pero ngayon iniwan at nagdurusa

Ang aking puso na nagmahal na parang tanga.


Ito'y dapat matagal ng tinapos

Pagitan sa atin di na maaayos

Dahil anumang unos,anumang signos

Walang tatalo sa pagmamahal ng Diyos.

My PoemsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon