Magkaibigan ang ating turingan
Sa lahat ng problema tayo'y nagdadamayan
Walang hindi nalalagpasan
Kapag tayo'y magkasama magkaibigan.Isang araw sa akin ika'y nagpunta
May gusto ipabatid at ipadama
Tulungan ka sa iyong ginagawa
Mapalapit lang sa taong mahal nya.Ginawang tulay para sa mahal mo
Nagtitiis at sumusunod lamang sayo
Nakangiting sinusunod kahit hindi gusto
Makita lamang masaya ka, okay na ang mundo ko.Hindi kailanman pinagtapat na mahal kita
Nanatili sa tabi mo ng masaya
Hindi tinanong kung ano nga ba talaga
Pagiging tulay sa mahal mo ay sapat na.
BINABASA MO ANG
My Poems
PoetryPoems about God, family, friends, heartbreaks, love, etc. Written by yours truly! Highest Rank Achieved: #7 in Poetry