Patungo sa daang Matuwid... Mabuhay ang Pilipinas

667 13 3
                                    

Sa loob ng maraming taon, ang ating inang bayan;

Nanghihina, Nagdurusa't nalulugmok sa kahirapan;

Sino ang mananagot at nararapat sisihin, sa lahat ng kaganapan;

Mga tiwaling opisyal ng gobyerno? Mga pulitiko? O ang sambayanang pilipino? Sino ang nakakaalam?

Wala! Halos lahat sa ati'y nananahimik, nagbibingibingihan at nagbubulagbulagan;

Sa mga nangyayaring, karima-rimarim sa'ting lipunan;

Kung ating iisa-isahin, kulang pa ang mga araw kinabukasan;

Sa dami ng mga ito'y, patay kana ngunit wala ka pa sa kalagitnaan.

Ang lason ng kadilima'y, sa bayan nati'y laganap;

Nais na daang matuwid, bakit di maapuhap?

Kulang pa ba, ang dinaranas nating hirap?

Upang tayo'y lumaban, manindigan, magkaisa at humarap.

Humarap sa mga dugok, mga balakid sa'ting pag-unlad;

Nang itumba ang mga barikada, sa landas nating hinahangad;

Bigyang pansin at isaayos, ang mga kaisipang huwad;

Liwanag na nais makamtan, naryan lang sa bungad.

Atin nang wakasan, pangaalipin ng dilim;

Wag nang masunudsunuran, tawag ay iyong dinggin;

Kung nais ninyo'y daang matuwid, isapuso't ninyo't wag lang isipin;

Ang pagbabagong hinahangad, mag-uumpisa sa atin.

Sa taglay na dinaranas, yaong unti-unting makaalpas;

Sa digmaang ito'y, lumaban ng buong lakas;

Kapag nagkaisa'y, lahat malulutas;

Patungo sa daang matuwid... Mabuhay ang Pilipinas!!

My PoemsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon