Bakit ko minahal ang kanyang istorya?

230 3 0
                                    

"Bakit ko minahal ang kanyang istorya?"

Sa totoo lang hindi ko alam kung saan mag-uumpisa
Sa sobrang daming pumapasok sa isip ko, gusto ko ng ilathala
Sa sobrang dami ng sasabihin ko, kulang ang oras para iyong makita
Baka tapos na ang tatlong minuto'y wala pa ako sa gitna.

Pero gusto kong magsimula sa umpisa
Kung paano ko naalala ang mga araw na ako'y nagbabasa
Ang unan at kumot na kadamay sa gabi ng aking nadarama
Parang tangang napapangiti kapag naiisip na magsisimula na.

Obra maestra nya'y pumukaw ng aking pansin
Mga istorya nya'y sobrang nakakabitin
Author nito'y sobrang bait at napakahinhin
Kapag iyong nakilala, sobra mo itong mamahalin.

Bakit ko ba minahal ang kanyang gawa?
Bakit kahit ilang ulit ko ng binasa ay hindi pa rin nakakasawa?
Kahit anong basahin ko ay doon pa rin ang punta
Kahit anong gawin ko, mas minamahal ko pa ng sobra.

Bibigyan ko kayo ng tatlong dahilan
Tatlong dahilan para 'yong malaman
Malaman kung bakit sya ang aking sinusuportahan
Sa kalidad ng istorya natin umpisahan.

Kalidad... Kalidad ang una mong sasabihin
Kapag istorya nya'y iyong pipiliin at babasahin
Kulang ang ending kung iisipin
Sa ganda ng kalidad ng istorya ika'y mabibitin.

Istorya nya'y sobrang kakaiba
Mga tauhan nya'y kabibiliban pa
Malalaman mo agad ang pagkakakilanlan ng bawat isa
Emosyon ng bawat karakter iyo pang madadama.

Linya... Ang mga linya na pangalawa mong makikita
Kung paano magbitiw ang bawat isa ng mga salita
Ibang iba sa mga gawa ng iba
Maastigan at hahangaan mo ng sobra.

Mga linya na tatatak sa ating memorya
Mga linyang hindi makakalimutan at mawawala
Mga linyang uulit ulitin mo pa
Mga linyang hanggang kinabukasa'y tanda mo pa.

Pangatlo... Mga aral na mababasa sa kanyang istorya
Kung paano tumatak sa ating isipan ang aral na ating nakuha
Na hanggang ngayo'y na-aapply natin sa ating sarili at sa iba
Magagandang aral... Hanggang sa kasalukuyan ay magagamit ko pa.

Maraming nagtatanong "Bakit ang istorya nya?"
Bakit sa dinadami ng magagandang gawa sa kanya ka napunta?
Bakit doon pa? Bakit iyon pa?
Bakit iyon ang iyong binasa?

Ang sagot ay narinig at nalaman mo na
Ang kalidad, Ang mga linya at ang aral na aking nakita
Sapat na para mahalin at suportahan ko pa ng sobra
Sapat na para masagot ang tanong mong paulit ulit na.

My PoemsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon