Kaibigan

995 12 3
                                    

Ano ang kaibigan?

Saan ito matatagpuan?

Ano ba talaga ito?

Kailangan ba ito ng mundo?

Kaibigang karamay at maaasahan,

Sa iyong paglalakbay lagi siyang nariyan.

Sa dagat, kapatagan, alapaap at bundok

Sa anumang anggulo, nariyan sya sa bawat sulok.

Kaibigang maituturing na kayamanan,

Sadyang di mahihigitan

Pagpapahalaga ko sa iyo'y walang kapantay

Pagkakaisa't pagkakapatid,ginintuang tunay.

Ngunit minsa'y hindi maiiwasan

Kaibigang kong tinuturing, tinukso ng kadiliman

Gulo't away, iyan na't nag-umpisa

Palitan ng kuro-kuro, sisihan ng may sala.

Bakit ganoon? Ano ang naadya?

Pagsasamahang nabuo, sa hukay ay hinihila.

Bakit? Ano? Paano? Bigla kong napagtanto!

Ika'y marahil ay di kaibigang totoo!

O! Kaibigan~kaibigan sadyang kumplikado;

Pasasalama't, pamamaalam, ibinigay ko na sa iyo.

Kaibigan, bahagi ng sanlibutan

Ngunit minsan, hindi pangmatagalan.

My PoemsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon