Gulay at Prutas

13.6K 18 1
                                    

Gulay at Prutas ay ihain,

Sa hapag kainan iyong kainin,

Upang katawan ay maging masiglahin,

At hindi maging sakitin.

Ang gulay na kalabasa ay yaman,

Ito'y pampalinaw na mata ninuman,

Ang gulay na kamatis ay kailangan,

At ito'y pampakinis ng katawan.

Malunggay ay kilalanin,

Sa bawat sangkap na ihahain,

Sustansya'y iyong kilatisin,

Upang maging masarap ang pagkain.

Sa lahat ng gulay ay laging kailangan,

Sa anumang oras iyong pagkatiwalaan,

Dahil ang gulay ay kayamanan,

Dapat dito ay pasalamatan.

My PoemsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon