Kamusta ka na?

338 6 1
                                    

Hello Mahal, kamusta ka na?
Ako pa ba'y tanda mo pa?
Ang tagal na rin pala,
Ng mga panahong tayo'y magkasama.

Hello Mahal, kamusta ka na?
Ako? Eto hanggang ngayo'y umaasa,
Umaasa na ikaw at ako ay iisa,
Umaasa na sana meron pang pag-asa.

Tanda mo pa ba yung mga araw na tayo'y gumala?
Yung mga panahong sobra nating saya,
Para tayong tinadhana,
Tinadhanang pagtagpuin para sa isa't isa.

Pero anong nangyari sa ating dalawa?
Parang unting-unting lumalayo at nawawala,
Nagkamali bang pinagtagpo tayo ng tadhana?
O dahil kahit kailan wala naman talaga.

Ako lang ba ang nakakaramdam sa'ting dalawa?
Ako lang ba ang nakakaramdam nitong saya?
Ako lang ba at wala ng iba?
Ako lang na hanggang sa simula sayo'y aasa.

Pero kahit ganun, hihintayin pa rin kita,
Maghihintay kahit na magtagal pa,
Dahil mahal na mahal kita,
At pagdating ng araw na yun, masasabi kong "Akin ka na."

My PoemsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon