"MAGKABILANG MUNDO"
Magkabilang mundo ang ating kinagisnan
Dalawang mundong hindi ko inaasahan
Ikaw sa mundo mong malayo sa katotohanan
At ako sa mundo kong walang hangganan.Unang kita palang sayo ako'y napangiti
Para bang mapupunit ang ngiti sa aking labi
Sabik na sabik sayo sa bawat sandali
Pero kalauna'y ito'y napalitan din ng hapdi.Hapdi ang aking naramdaman
Nang maalala kong malayo ka sa katotohanan
Isa ka lang palang karakter na aking sinubaybayan
At hindi inaasahang napamahal sa akin ng lubusan.Minsa'y napaisip sana nandyan ako sa mundo mo
Sa mundo mong lahat ay magagawa ko
Na kahit pagmamahal ko sayo ang pwedeng magbago
At sa huli sa akin pa rin ang bagsak mo.Minsan ng inisip na reyalidad ay takbuhan
Panaginip ang tangi kong inaasahan
Na kahit sandali, piliin mo'y ako naman
Na kahit iyong pag-ngiti ay ako ang dahilan.Pero hindi! Hindi pwedeng mangyari ang gusto ko
Hindi pwedeng mangyari ang lahat ng ito
Dahil sobrang magkaiba ang ating mundo
Kailanman'y hindi na pwedeng magbago.

BINABASA MO ANG
My Poems
Thơ caPoems about God, family, friends, heartbreaks, love, etc. Written by yours truly! Highest Rank Achieved: #7 in Poetry