Pasasalamat

5.2K 9 0
                                    

PASASALAMAT

May ginawa akong mumunting tula
Nais ipabatid at ipadama
Makinig mabuti sa aking salita
Upang sa ganun ay ako'y matuwa.

Hindi ko alam kung saan nga ba mag-uumpisa
Hindi ko alam kung ano nga ba talaga
Pero nais kong mag-umpisa sa una
At kung paanong nalusutan ang mga problema.

Salamat, unang bungad ko sa inyo
Salamat dahil nandyan lagi kayo
Salamat dahil binigyan nyo ng kulay ang madilim kong mundo
Pasasalamat na nais, hanggang sa magwakas ang tulang ito.

Nagkakilala ang lahat sa loob ng eskwelahan
Nagkalapit at naging magkaibigan
Magkasama mula umaga hanggang uwian
Mula eskwelahan hanggang sa pasyalan.

Pag-aaral sa kolehiyo ay hindi basta basta,
Dahil hindi ito kasing dali ng iba
Pinagsisikapan ang lahat ng bagay mula sa umpisa
Hanggang sa marating ang kasukdulan at maging masaya.

Pero bakit nga ba dumarating ang mga problema?
Problema na susubok ng ating pag-sasama
Problema na nagpapatibay ng sobra
Ng samahang hinubog ng mga madla.

Salamat, dahil hindi kayo sumuko
Salamat dahil mas tumibay pa tayo
At nagkakaisa kung pano iresolba ang mga ito
Sa mabuting paraan na hindi nagkakagulo.

Hangad ko na maging kaibigan ko kayo,
Maging ate, bunso o kahit na anong gusto niyo,
Dahil batid kong may matututunan ako mula sa inyo,
At hiling ko na may maibahagi rin ako.

Maraming salamat sa mga guro
Sa mga kakaklase kong naghubog at bumuo ng ganto
Sa mga kaibigan kong nandyan parati sa tabi ko
Pasasalamat ang gusto kong ipabatid sa inyo.

My PoemsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon