Isang araw tayo'y nagkita
Nakatitiig sa mata ng isa't isa
Biglang sumibol ang ngiti sa mukha
Sinabi sa sarili na ikaw na nga.Madalas tayong magkita
Madalas din kung tayo'y magsama
Masayang nagpapalitan ng balita
At parang sabik sa bawat isa.Hindi mapigilan itong nadarama
Nagtapat sayo na mahal kita
Nakatingin sa 'yong mata
Umaasa na sana ganun din ka.Ngunit isang araw ika'y nakita
May magandang babaeng kasama
Ako ba'y pinagpalit mo na
Kung una wala naman talaga?Pero nang ika'y magtapat ako'y nabigla
Ako rin pala'y mahal mo na
Pero napangisi ng may maalala
Babaeng maganda na iyong kasama.Ano itong aking nadarama?
Tama bang magkagusto sayo ng bigla
Tama bang makita kang masaya sa iba
Dapat na bang sumuko o aasa pa ba?
BINABASA MO ANG
My Poems
PoetryPoems about God, family, friends, heartbreaks, love, etc. Written by yours truly! Highest Rank Achieved: #7 in Poetry