Chapter 22

33 6 0
                                    





*RAYNE*




Matagal akong tumitig kay Niro at sa kanyang kausap. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kung maramdaman, 'dapat ba magalit ako? Dapat ba kompruntahin ko ang babaeng kasama nya?o piliing manahimik na lang.





"Babe are you okay!"napalingon ako bigla kay Frank na nakahinto sa harapan ko. Nagtatanong ang kanyang mga  tingin sa akin, pati si Sed na nasa gilid ay nagtataka akong tinitigan. Lumingon pa ako ng isang beses sa pwesto nila Niro bago sumagot kay Frank.






"Yeah I'm okay tara na." Sinikap kong ngumiti  kay Frank at ako na rin ang umakbay sa kanya kahit mas matangkad sya sa akin upang mawala ang mga agam-agam sa kanyang mga mata. Humiwalay din ako sa kanya nang tuluyan kaming makapasok sa gym at hinanap ang pwesto nila Astra, tama nga ang sabi nya at nasa likod lang sila ng mga players namin, nang makaupo ako ay tumingin agad ako kay Frank na seryosong nakikinig sa kanilang coach, panay din ang sulyap nya sa akin na ikinangingiti ko.






"Patay na patay talaga Rayne?" Napalingon ako kay Merrow na tumatawa sa tabi ko. Ngumiti lang ako at umiling.







"Grabeng panggagayuma ang ginawa sayo ni Frank ahhh, mahal na mahal Rayne!" Tumawatang sabi ni Erl na nag patahimik sa akin. Mahal na mahal ko ba talaga ang taong ito?. Bakit hindi ko magawang mag open sa kanya, natatakot ba ako o ayaw ko lang talaga?. Malalim akong bumuntong hininga, nilalamon na naman ako ng lungkot at kakaisip kung ano ba ang dapat kong gawin,  lunod na lunod ako sa kakaisip king ano ba ang mali. Sino nga ba ang nagkamali. Ano bang papel ko sa buhay ni Frank? girlfriend lang naman ako, dapat ba sinasabi ko sa kanya lahat? kailangan ba pag mahal mo ang isang tao sasabihin mo sa kanya lahat.





Hindi ko na mabilang kung ilang beses ako bumuntong hininga, makailang ulit na umiling at gaano ako katagal na nakatulala lang sa kawalan.




"Defense!"





Nagulat ako sa sigawan ng tao sa pwesto ko, doon na ako tumingin kela Merrow na nakatayo na, pati ang mga tao sa paligid maliban sa akin, nagtataka akong tumingin sa score board na napalitan ng gulat. 'Ang laki ng agwat nang score ng kalaban. Tumingin ako kay sa court st napansin hindi kasama si Frank sa mga naglalaro.




"Saan si Frank?" Nagtataka kong tanong kela Astra.




"Wow! Concern ka na ngayon ? Kanina pa kita tinatawag, snab ka lang! Aba 3rd quarter na oy!" Inirapan ako ni Astra at inis na sumigaw ng 'defense'.  Nangunot lalo ang nuo ko, ganon ba ako katagal na nakatulala at hindi ko na namalayan ang oras. Muli ako bumaling sa mga player at hindi ko talaga makita si Frank.





"Asan ba kasi si Frank?" Inis ko nang tanong kela Astra ulet.





"Tanga mo kasi eh no! Dinala sa clinic na injured kaninang second quarter! Sige tumalala ka lang dyan huh!" Si Merrow ang sumagot, pati ito ay inis akong tinignan bago nag cheer ulet. Hindi ko alam kung  ano ang gagawin ko. Nanahimik na lang ako at nag iisip ng tamang gawin.





"Anak ng puta ka Rayne! Ano pang inuupo mo dyan? Puntahan mo na si Frank. " Mahinang hinila ni Merrow ang buhok ko. Tumawa naman si Erl dahil parang wala ako sa huwisyo. Sumunod na lang ako at lumabas sa gym, hindi ko alam kung saan ako pupunta, Lingon ako ng lingon sa paligid.




"saan ba ang clinic sa school na to?"





"Do you need help?" Napatayo ako ng tuwid nang marinig ko ang boses ng kung sino sa likuran ko, tiim bagang akong lumingon at tinaasan ito ng kilay. "Ahmm kailangan mo ba ng tulong?" Kamot batok ngang tanong, tela nahihiya sa akin.




Ms. architectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon