Chapter 26

45 7 2
                                    





RAYNE



"I'm breaking up with you!" 



Hindi ako makapaniwalang tumingin sa kanya, magsasalita sana ako ngunit naitikom ko din iyon ng walang lumabas kahit isang salita sa aking bibig. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko, yumuko siya at pinunasan ang mga luhang kanina pa kumakawala sa kanyang mga mata, iniwas ko ang tingin at lumayo sa kanya, 'tama ba yung narinig ko ?' tumalikod ako at tinakpan ang mga mata ko. Umaasang panagininp lang ang lahat.





"Why?...saan ako nagkamali? ayaw mo na ba? pagod kana din ba sa akin?" sunod-sunod na tanong ko habang nakapikit, ayaw kong makita lahat, dahil isang tingin ko lang babagsak ako, mauubos ako, nararamdaman ko na yung lungkot na dapat sanay na ako, pero bakit bawat senaryo, bawat tagpo masakit, nakakaubos ng lakas, unti-unti akong lumuha dahil hindi ko matangap yung gusto nyang gawin, bakit madali  para sa lahat na saktan ako... na iwan ako.



"No! walang mali sayo! sobra ka pa sa sapat Rayne, mahal na mah~" 



"Cut the Crap Frank!" pagputol ko sa sasabihin nya. "Kung mahal mo ako bakit?..bakit ka makikipaghiwalay? masaya tayo diba? ginawa ko naman lahat diba? sabihin mo sa akin kung anong mali please!"  Humarap ako sa kanya habang umiiyak, lalong lumakas ang pagdaloy ng mga luha ko ng makita ko kung gaano siya nasasaktan.





"Hindi mo naiintidihan Rayne!" bulong niya at tumingala.





Hinawakan ko ang mukha niya at hinarap sa akin. "Ipaintindi mo sa akin! makikinig ako!"lalo siyang umiyak ng matitigan nya ako sa mata. Hinawakan niya ang kamay kong nakahawak sa pisngi niya at dinama na parang iyon ang huling beses na mararamdaman  pa niya.





"Do you remember the day you ask me what's my plan  after graduation?" tinitigan nya akong mabuti na para bang ayaw  niya akong mawala sa paningin nya. " Ito ang araw na alis na ako Rayne!" bumagsag ang balikat ko ng mapagtanto ang ibig niyang sabihin, napabitaw ako sa paghawak sa pisngi niya at lumayo ng bahagya, para akong kinapos ng hininga, umiling ako ng umiling habang palakas ng palakas ang pag iyak ko, hindi ko matanggap, hindi ako papayag na aalis sya, paano na ako? ayaw kong maiwan. Humarap ako sa kanya at mahigpit siyang niyakap.





" 'Wag mo kong iwan! 'wag kang umalis... diba... diba sabi mo nandito ka lang palagi sa akin kahit anong mangyari?" lumakas ang iyak ko nang yakapin nya ako ng mahigpit. "Sabi mo mahal mo ako pero bakit aalis ka, bakit ganon lang kadali sayo na iwan ako bakit... " Hindi ko na masundan ang sasabihin ko dahil nabablangko na ako, wala akong magawa kung hindi umiyak lang ng umiyak habang nasa bisig niya, maging siya ay humahagolgol na rin at ayaw akong bitawan.





"God knows how much I wanted to stay Rayne, ayaw kong gawin pero kailangan! mahal na mahal kita pero kailangan kitang bitawan." bumitaw ako sa kanya at tinakpan ang mukha ko, ang sakit... ang sakit- sakit ng mga binitawan niyang salita. Ganito ba talaga kasakit magmahal? 





"Sabi mo mahal mo ako... Kaya kong maghintay Babe, kaya ko!" nagsusumamo na ako sa kanya, wag nya lang ako iwan, hindi ko kaya mawala sya, selfish na kung selfish pero mahal na mahal ko sya.



" I don't want to take a risk dahil alam kung walang kasiguraduhan kung babalik pa ako, please listen to me Rayne, listen to me!? nagsusumamo ang boses niya, kitang kita ko kung gaano siya nahihirapan sa sitwasyon pero kailangan ba ako na lang palagi ang iwan. 



"Bakit ba kasi aaalis ka huh? bakit kailangang mong makipaghiwalay  pa sa akin... tang ina Frank mahal kita eh." hinampas ko ang balikat niya dahil naiinis ako at nasasaktan, ganito na lang ba palagi, iiyak ako, malulungkot. tang ina ayaw ko na. "Ikaw itong pumasok sa buhay ko pero ako itong nagpapakadesperada at naghahabol fuck this life." sigaw ko at dinuro sya. Hinila nya ako at pilit na pinapakalma. 





Ms. architectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon