Chapter 7

62 16 0
                                    

RAYNE*


"Morning" bati ko sa kanila bago umupo at nag sandok ng kain at ulam, kumpleto kami ngayong umaga mag breakfast, maluwag siguro schedule ni Kuya sa Hospital, 8 am pa lang naman! wala din akong klase pag friday kaya mag tetraining na lang ako ngayon.

"May training ka bukas?" Tanong ni Dad habang kumakain kami nginuya ko muna ang bacon bago sumagot.

"I have a training tomorrow in the afternoon! Why Dad?" Kumuha ako ng juice at uminon.


"Lumipat kana bukas ng umaga! Yun lang ang freetime mo!" Napatigil naman ako sa pag inom ng juice at tumingin kay Dad.


"Pinapalayas nyo na ba ako?" Nakakunot nuong tanong ko, tumawa naman sila kaya napasimangot ako.


"Hindi naman! Ang sa akin lang mabuti ng lumipat kana para di na hassle sayong umuwi pa dito ng gabing-gabi na. Tumango na lang ako kay Dad at nag patuloy kumain.


"Anak kanino pala jacket yung pinalabahan mo kay manang? hindi naman sayo yun!" Nabilaukan ako bigla sa tanong ni mommy hindi naman big deal yun pero parang kinabahan ako bigla.


"Ah sa kaibigan ko Mom! hiniram ko lang hehe!"kinakabahang sagot ko kay Mommy bago uminom ng tubig at umiwas ng tingin.


"Ah! kaibigan mo pala yung anak ni Amara, ano na ngang pangalan non Hon? Tanong ni Mommy Kay Daddy, nginitian muna ako ni Dad bago sumagot kay Mommy. Lalo akong kinabahan dahil kakaiba yung ngiti ni Dad yumuko na lang ako at nagpatuloy kumain.


" Si Frank inaanak natin nakalimutan mo na agad!" Sagot ni Dad napakunot nuo naman ako dahil ngayon ko lang nalaman jusko ilang taon na ako pero ngayon ko lang nalaman. "Hinatid nya pa nga si Rayne nong nakaraan!"


Napatigil ako sa pagsubo ng pagkain at inangat ng mabagal ng ulo ko nakatingin sila sakin na para bang nakagawa ako ng hindi maganda.


"Ah may paghatid na palang nangyayari sanaol!" Biglang sabi ni Bryte na nakakalukong tumingin sa akin, lumingin ako kila Mom and Dad na kagaya ni Bryte nakangisi din, nilingon ko si kuya ng bigla itong magsalita.

"Manliligaw mo?" Seryusong tanong ni kuya, kinabahan ako lalo ,ngayon ko lang sya makitang ganon ka seryoso.

"Hindi ah!" Maagap na tanggi ko, kaibigan ko lang yun! Kaya nya ako hinatid dahil flat diba ang gulong ng motor ko nong kailan! Kaya hinatid nya ako!" Nagpaliwanag talaga ako dahil kinakabahan ako.

"Bakit kasi hindi mo ginamit ang kotse mo? Wag mong sabihing sinundo ka pa nya!" Tanong nya naman.


"Hindi ahh! Naglakad lang ako non tsaka tinatamad ako mag drive! Teka lang nga! teka lang! Bakit ang seryoso mo kinakabahan ako sayo kuya!" Sinabi ko na baka nampaprank lang to.


"Matanda na yang kapatid mo wag mo ng pigilan! Ikaw kilan mo kami bibigyan ng apo?tanong nila kay kuya kaya sa kanila nabaling ang tingin ni kuya, HAHAHA kala mo ikaw na nasa hot seat ngayon, nagdidiwang ang isipan ko.


"Wala ngang girlfriend apo pa kaya!" Sagot ni kuya kaya tumawa kami hindi pa ata makamove on sa ex nya, well kahit naman siguro ako hindi makakamove on kay ate Winnie, sa ganda at bait non tanga na lang talaga si kuya kung bakit nya pinakawalan yun.

Ms. architectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon