Chapter 17

31 11 0
                                    




*FRANK*

"Ano? naayos nyo na ba yung banner?" Kabadong tanong ko kila Lucas. Ngayon ang laban nila Rayne, nasa room kami katatapos lang ng last subject namin sa umaga, mamayang 2 pm pa ang laro nila kaya makakahabol pa akong manuod. Dito sa school ang unang laban nila kaya  madali na lang makakapunta sa gym mamaya, Hindi gaya namin na weekend ang laro, weekdays sila.

"Pwede ba Frank tumahimik ka! pang isang daan mo ng tanong yan! Oo kanina pa tapos tanga!" Binato ako packing tape ni Drake, mabilis ko yung iniwasan at tumawa.

"Tang ina pre! Para kang natatae dyan! Hindi naman ikaw yung lalaban, pre girlfriend mo pre, GIRLFRIEND! G.I.R.L.F.R.I.E.N.D!" natawa ako kay Lucas dahil enespell nya pa talaga yung salitang girlfriend. "May pa banner amp!" Naiiling nya pang dagdag.

"Bakla yan ei!" Mabilis akong lumingon kay Sed na tinaasan ako ng kilay at mapang asar na ngumunguso.

"Songs naman pre!"  I said dramatically, mahina nga akong sa balikat at tumawa din kalaunan.

Kinuha ko ang phone ko ng tumunog yun, tumatawag si Rayne. Tumalikod ako bago sinagot yun.

"Babe!"

[Saan ka?"]

"Nasa room! Bakit? Miss mo ako?" Natawa ako ng bahagya ng hindi agad sya sumagot.

["Ang yabang! eww! miss my ass!" ]

"Luh! Asa ka! Bastos 'may pwet din ako noh!" Tumawa ulit ako ng marinig ko ang tawa nya sa kabilang Linya.

[Ediwow! Babye na! Love you!"]


"I love you more! Goodluck babe!" Binaba nya na nga ang tawag.

"Ay labyo morrrr! Kilig titi amp!" Umiiling iling na lang ako sa sinabi ni Drake at hindi nya pinansin.

Nagkwentohan kami ng kung ano-ano papunta sa gym, dumaan muna kami sa cafeteria para bumili ng pagkain at sa gym na lang namin kakainin mamaya, although maraming kainan dito sa loob ng University mas masarap ang pagkain sa cafeteria at mas maraming pagpipilian.

Pagdating namin sa gym marami ng tao, may naka dilaw na mula sa University, mas marami nga lang ang naka maroon dahil dito sa gym ng University ang first game.

"Daming tao! Hula ko cutting iba dyan!" Hindi namin pinansin si Drake at humanap ng upuan, pumwesto kami sa malapit sa court sa side ng team ng University namin, nandoon  sila Merrow na naglaan ng upuan para sa amin, naabotan pa namin silang kumakain ng popcorn . Nandon na rin  sila Rayne na nag wawarm-up, sa kabilang side yung kalaban ni. Ngumiti agad ako ng magtama ang mga mata namin, sinenyasan ko syang lumapit kaya umayos sya ng tayo at nagpaalam sa coach nya. Tumayo ako at lumapit sa court sa baba ng mga step ng hagdan.

"Ang cute mo!" Bungad kong sabi sa kanya na pinasadahan ng tingin ang suot nya.

"Do I look like a puppy!" Pinanlakihan nya ako ng mata kaya napangiti ako ng nangaasar.

"Ikaw na nga pinupuri! Ayaw pa! Attitude ka ghorl!" Pikon nya akong hinampas sa braso kaya inilagan ko yun ng tumatawa, hinawakan ko ang dalawang kamay nya at hinalikan sya sa pisngi.

"Ahhhhhhh ang sweet! Gusto ko rin!" Napalingon kami ni Rayne sa mga highschool na nasa likod namin, at awkward na ngumiti.

"Sige na! Galingan mo! Pakitaan mo sila ng malupitang spike!" Tumawa sya sa akin at nag thumbs up pa.

Ms. architectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon