Chapter 19

36 10 2
                                    

*RAYNE*


"Wow!"

Iyon agad ang unang lumabas sa bibig ko ng dumaong sa pangpang ang bangkang sinasakyan namin. Kagabi pa kami nakarating dito sa Occidental Mindoro, nag check in lang kami sa isang hotel.

"You like it?" Tanong nya sa akin habang inaalalayan akong bumaba sa bangka. Maliit ang isla ngunit may mala pulburon na buhangin, walang binatbat ang buhangin ng boracay, malinaw ang kulay na naghahalong berde at asul na tubig dagat. Masarap ang simoy ng hangin at tahimik dahil mangilan-ngilan lang ang turistang kagaya namin na nerereto. May volleyball net sa harap ng mga cottage at may bahay bakasyonan sa may gilid  ng harapan ng isla.


"Tange! Ang ganda dito." Inililibot ko ang aking paningin sa kabuuan ng isla, hindi ko pinansin si Frank na tumatawa sa tabi ko habang dala ang mga ilang gamit namin. "Ano na ngang pangalan neto?" Lumingon ako sa kanya na dapat hindi ko ginawa, dahil sinalubong ako ng isang damping halik ng mga labi niya.

"Inasakan!" He bite his lips while smirking. ' bwesit naka isa agad.' Umirap na lamang ako at pumili ng cottage na gagamitin namin.

"Nag rent pa ako ng cottage kung gagawa ka lang din ng tent!" Inis ko syang binatukan dahil ako ang nag bayad ng cottage tapos inaayos nya ang tent sa harap ng cottage namin, nasa bandang gilid kami malapit sa mga batuhan at may munting ihawan. Malilim sa pwesto namin dahil sa mga puno ng niyog sa pagitan ng mga cottage.

"Pang Instagram lang!" Masama ko syang tinignan at binato ng tsinelas na suot ko. Tumawa lang sya at hinagis pabalik ang tsinelas ko at pinagpatuloy na muli ang ginagawa nya. Inayos ko na lang ang mga pagkain at gamit na dala namin, ng matapos ako sa pag aayos- ay dumiretso ako sa  comfort room at nagpalit ng two piece, kulay pula ito at may pa cross na design sa dibdib ko,ang pares na panty neto ay itinatali sa magkabilang gilid. Sinuot ko ang cover up dress na color white bago lumabas.

"Witwew, sexy! Isang awra naman dyan." Bwesit na bwesit akong tumingin sa kanya na tudo hagalpak ang tawa. I raised my middle finger in front of him na mas lalong ikinalakas ng tawa nya. "Bat ka pa nagdadamit? Huhubarin ko din naman!"

Nagpapadyak ako sa inis dahil hinihintay kong purihin nya ang suot ko, minsan lang naman ako nagsusuot ng ganito kaya excited akong purihin nya, ngunit inaasar nya lang ako.

"Ang baboy mo!" Inirapan ko sya at naglagay na lamang ng sunblock sa balat ko. Naka upo ako sa may papag ng cottage, nakataas ang isang legs na nakapatong sa papag habang ilaglagyan ko ang mga braso ko.


"Ako na!" Inagaw nya ang sunblock na hawak ko at nilagyan ang ang mga hita ko.

"Ang tigas ng legs mo!" Binatukan ko sya dahil ng iinis na naman, akmang aagawin ko ang sunblock ng ilayo nya ito sa akin at pinisil ng marahan ang pwetan ko. Nanlalaki ang mata kong lumingon sa paligid, kinakabahan dahil baka may nakakita sa ginawa nya.

"Gago ka! Manyak ka talaga." Piningot ko ang tenga nya, napalayo sya sa akin habang tumatawa.

"Fluffy!"

Lalo akong nainis at masamang tumingin sa kanya, hindi ko na lamang pinatulan dahil hindi titigil yan, tinago ko na lamang ang sunblock sa bag ko at kinuha ang sunglass at camera.

"Picturan kita dali!" Inagaw ni Frank ang camera sa kamay ko at nauna pang pumunta sa pangpang. "Dito ka, Maganda view dito!" Hinila nya ako at pwenesto sa tinuturo nya kanina.

"Ayusin mo mag picture huh! Scammer ka pa naman." Binantaan ko agad sya, mahina lang syang tumawa at tumango din.

"Responsibilidad ni Boyfriend na kuhaan ng magandang litrato ang kanyang jowa!" Tumawa ako dahil naka salute pa sya sa akin habang sinasabi yun. Nag pose na rin ako at humarap sa camera, may paluhod-luhod pa syang nalalaman, humarap ako sa gilid at hinawakan ang shades ko, kunyari stolen.

Ms. architectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon