Chapter 14

38 12 6
                                    

Don't forget to do the sigh of a cross and use alcohol.

Pssst walang warning  chaaaarrrr read at your  own risk HAHAHA.

*FRANK*



Hindi ko mapigilang ngumiti ng wagas sa binitawan salita ni Rayne, kahit hindi ko masyadong naintindihan parang alam ko ang ibig-sabihin.

"Bawal kiligin!" Pinitik nya ang nuo ko saka pinanggigilan ang pisngi kong kurutin. Ngumiti lang ako sa kanya at gumanti ng pagkurot sa pisngi nya.

"Kayong malalandi! Wala kayong pinipiling lugar!" Napalingon kami ni Rayne sa pinanggalingan ng boses na iyon. "Nakakaimbyerna lahat kayo may lovelife na!" Sarkastikong dagdag ni Merrow. Nagkatinginan kami ni Rayne at sabay na tumawa.

"Nandyan naman si Drake!" Natatawang sabi ko kay Merrow ngunit inirapan lang ako neto.

"Yung mokong na yun? Tsk!" Naiiling na sabi ni Merrow. "Apelyido pa lang manloloko na! Lomocow! Ew!" Naaasiwang sabi ni Merrow na parang nandidiri. Napailing kami Rayne ng makitang nasa likod ni Merrow si Drake na nakangisi, hinila ko na si Rayne palayo sa kanila dahil magbabangayan lang yung dalawa, dumiretso kami sa pwesto nila Lucas at Sed.

"Yung dalawang yun baka mauna pang makasal kaysa sa amin ni Astra!" Natatawang sabi ni Lucas nanahimik din sya agad ng samaan sya ng tingin ni Astra.

"Frank Menorca?" lumingon kaming lahat sa tumawag sa pangalan ko. "oh my God ikaw nga!"

"Oy Mel!" nakangiting bati ko sa kanya, isa siyang campus jouralist sa ibang university, madalas kaming magkita sa ganitong event dahil minsan sya ang nag iinterview sa akin. Masasabi ko namang close kami dahil mabait naman sya at may sense kausap.

"Congrats pala ! your so magaling parin when it comes to basketball!" natawa ako ng bahagya sa kaconyohan ng kanyang pananalita.

"Sus wala yun! by the way, this is my friends!" nilingon nya ang mga kaibigan ko at nginitian.

"Hello! I'm Meelan Molina but you  can call me Mel if you want!" nakangiti niyang pakilala at inilahad ang kamay sa mga kaibigan ko.

"Sed Allan Catalino!" pormal na pakilala ni Sed at nakipag handshake kay Mel.

"Lucas Mendiola!" tumango lang ito kay Mel at ibinalik ang tingin kay Astra. 'nagpapaka loyal HAHAHA' 

"Astra Cassannia Martinez!" supistikadang pagpapakilala ni Astra at nakipag kamay din kay Mel na ngumiti at tumango sa kanya bilang tugon.

"Erl Kygamanne Villadares!" nakangisi at parang mantitrip na naman na pakilala ni Erl at nakipag handshake kay Mel.

"Rayne!" napasapo ako ng nuo dahil sa maikling pakilala ni Rayne kay Mel bago ito tinanguan, tila ipinaparamdam niya na hindi niya gustong makipagkilala reto. 'tsk! kahit kilan talaga napakasungit neto sa ibang tao!' napailing na lang ako , wala si Drake at Merrow, hindi na namin alam kung nasaan sila matapos namin iwan ni Rayne.

"Nice to meet you all, any way ikaw diba ang captain ball ng volleyball team nyo!" nakangiting pakikipag-usap nya kay Rayne na tango lang ang naging tugon sa kanya, napapahiya itong tumango-tango.

"Nag cover ba kayo ngayon?" nagsalita na ako, mahirap na baka  mabadshot ito kay Rayne.

"Ah no! actually inaya lang ako ng friends ko!" nakangiti na netong sagot sa akin. "Any way I have to go na !" tinapik nya ako sa balikat bago ngumiti sa mga kaibigan ko at umalis.

Ms. architectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon