Chapter 34

23 5 0
                                    




*RAYNE*




"Stop staring at me!"



Sigaw ko kay Frank habang nasa harapan ko siya. Bakit ba kasi pumayag ako na hawakan ang project na ito?



"Jesus! don't shout, and I'm not staring at you, dito ako tumitingin." turo niya sa palette na nilahad ko sa kanya kanina. Pinapapili ko siya na gusto niyang design, kung anong gusto niyang magiging ambiance ng lugar.



Umirap ako at pinagpatuloy ang pag eexplain at mga suggestion ko. He seems interested naman kaya hindi ako nahihirapan, and beside engineer siya. Ayaw ko lang talaga ng presensiya niya, at tatagal sa isang lugar na kami lang dalawa.



"How about, lagyan natin na pool sa left side?" tanong ko sa kanya habang umiirap, pinakita niya sa akin ang aerial shot ng buong property na pagtatayuan ng resort. Tumango tango naman siya sa akin.



Enesketch ko yung plan para sa resort, habang nagsasalita siya ng mga gusto niyang idagdag na pasok pa sa sukat, pero kailangan ko pa rin sukatin ang lugar para ma estimate ng aayos kung gaano kalawak ang mapapagtayuan ng mga structure. Hindi ko maiwasang paikutin ang mata ko dahil feeling ko inuulit niya lang yung mga sinabi ko kanina.




"Can you please stop rolling your eyes Ms. Yap! Ako ang nahihilo sa iyo."



Napamaang ako at tumingin sa kanya.



"And so?" walang pakialam na sabi ko.



"It's unprofessional, I am your client, so stop being rude!" bulgar na sabi niya, so ako pa ang unprofessional dito, pagkatapos niyang planuhin lahat mapapunta lang ako dito. Mahawakan ko lang yung lentek na project na iyon.



"Then, stop this!" madiin kung sabi sa kanya.




"Stop what?" maang- maangan niyang sagot.




Saan ba kumukuha ng kapal ng mukha ang isang ito? Hindi niya ba nararamdaman na ayaw ko siyang makita, ayaw ko lahat sa kanya.




"Bawiin mo itong plano!" naiinis lang ako lalo nang ngumiti siya sa akin, at tumawa pa ng bahagya.

Ms. architectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon