Chapter 24

39 6 0
                                    




*RAYNE*



"TAYAO  FINISH IT .............. IT'S ALL OVER , F.U WWWWIIIIINNNNNNN!"


Malakas ang sigawan ng mga studyante ng F.U. Kasabay nang pagwagayway ng kanilang bandana ay ang pag irap sa akin ni Myrtelle at pumunta sa pwesto nila sa gitna ng court, Yumuko ako at mariin na pumikit, kung nasa tamang kundisyon ako ay kaya kung depensahan ang atake nila. Mahigpit kong itinikom ang aking mga kamay at matunog na bumuntong hininga.



"Bawi tayo sa final game cap!" tinapik ni  Yanna ang balikat ko bago bumalik sa bench, katatapos lang makipagkamayan sa kabilang team. Babalik na sana ako sa bench nang dunggulin ni Myrtelle ang balikat ko.



"I told you! tatalunin kita. I'm gonna be your worst nightmare Yap!" maarte niyang pinaypay ang kamay sa sarili . "Prepare yourself" inirapan nya ako at tumalikod na.



"Aagahan ko pang matulog para masalubong kita!" walang alinlangan kong sabi kaya napalingon siya sa akin na naghahamon ang tingin, wala akong balak makipagplastikan sa kanya ngayong araw dahil wala  ako sa mood, matunog siyang tumawa at pumalakpak na lumapit sa akin.




"The audacity!" she crossed her arms and look at me, mas matangkad  ako sa kanya kaya medyo nakatingala sya sa akin, natawa ako nang bahagya dahil sa height difference namin. "Ang yabang wala namang binatbat." pagtudya nya pa sa akin, napansin ata ng team nya na mainit na naman ang dugo sa akin ni Tayao kaya lumapit ang team captain nila.



"Yung alaga mo! masyadong matabil ang bibig,  sa susunod na magsasalita yan ng hindi maganda, bubusalan ko na yan!" ngumiti ako kay Myrtelle bago tumalikod at umalis.



"Akala mo ba matatakot mo ako? let see Rayne, tatawanan kita pag kami ang nanalo sa final, damn you!" rinig ko pang sigaw niya, itinaas ko ang gitnang daliri ko  para lalo siyang mainis. 




"Sa tingin mo ba tama ang ginawa mo?" sigaw sa akin ni coach nang makarating kami sa designated room namin. Tahimik akong naka tayo sa harap niya, nakayuko namang naupo sa mono black ang team ko, nakikinig kung pano ako sigawan ni coach, si Yanna lang ang nakatingin sa akin na mukhang  naaawa sa sitwasyon ko. "You proclaiming a war sa player ng F.U, nahihibang ka na ba?" Hindi ko magawang tignan si coach dahil naiinis ako, naiinis ako sa sarili ko, sa inaasta ko.



"Si Tayao ang mainit ang dugo kay Cap coach, binung~~"



"Hindi kita kinakausap Malbar!" galit na pagputol ni coach sa sasabihin ni  Yanna.

Ms. architectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon