Chapter 35

27 5 0
                                    


*RAYNE*



"Why did you do that?" 




Tumawa siya sa sinabi ko at hindi sinagot ang tanong ko sa kanya. Nandito kami ngayon sa dalampasigan, umiinom ng beer, hanggang ngayon nasa isip ko pa rin ang halik na iyon at hindi ko pinagsisihan, kasi...kasi baka last na yun, hindi na mauulit.




"Nasaan ka sa loob ng pitong taon?" tanong ko ulit sa kanya, this time nilingon ko siya,nasa malayo na ang tingin, sa malawak at madilim na karagatan, tahimik lang siyang nakaupo sa buhangin kagaya ko, sa ilalim ng buwan at sa mga lamparang tanging ilaw namin ngayong gabi.




"U.S! Nong nasa college na si Audrey umuwi na ako dito." mapait siyang ngumiti sa akin. Umiwas ako ng tingin.



Madami akong gustong itanong sa kanya, kagaya ng kung masaya ba siya doon, may kaibigan ba siya, kung kumusta siya, kung... kung may naging karelasyon siya. Bakit siya bumalik, para saan pa?



"That day, namatay si Lolo." pag uumpisa niya, umiwas ako ng tingin at uminon ng alak. So that was the reason." We have to go there Rayne! Akala ko...akala ko pupunta lang kami doon para sa kanya, but I was wrong!" yumuko siya.



"You will handle your family business, kasi ikaw ang panganay!" ako na ang nagpatuloy sa sinabi niya, I realize it after I recovered from the accident. I remember the night we broke, he said kailangan niya umalis, he will never leave me for a simple reason, and now I figured it out, ang gusto ko lang sabihin niya, mag sabi siya sa akin, 'yun lang.



"Hindi ako umalis nong gabing 'yun!" sabi niya, dahilan para mapalingon ako sa kanya, naguguluhan. Nag hintay pa ako na dudugtungan niya iyon, ngunit hindi na siya muling nag salita pa. 



Anong ibig niyang sabihin? Kung hindi siya umalis nong gabing iyon, nasaan siya? 



"Gusto kong bawiin lahat ng sinabi ko sa iyo 'non! I don't want to see you like that, devastated. Diba sabi ko, ingatan mo sarili mo, kasi mawawala na ako sa tabi. That night, I know you will not gonna follow what I said. I tried to talk to you again, I called you but your not answering my call, hinanap kita nong gabing iyon, But it was too late!"



Nakita kong pumatak ang luha niya sa buhangin, he tried to reached me out, we tried to reached each other, pero huli na kami pareho. I bite my lower lips to stop myself to cry, hindi na ako pwedeng maiwan sa kahapon, I don't want to go back anymore, masyadong masakit kung patuloy kong babalikan ang nakaraan, but I want to know his side, I want to understand him, kahit ngayon lang, gusto kong marinig ang dahilan niya.

Ms. architectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon