Chapter 38

33 2 0
                                    




*RAYNE*



"Architect yung sukat nito,babawasan ba natin?" tanong ng engineer na nag handle ng project sa La Union. Nag start na sila three weeks ago. Wala din akong nakuhang matinong sagot kay Frank dahil puro 'oo' lang sagot niya sa akin tuwing tinatanong ko siya about sa resort na pinapagawa niya. We already check the area. Okay naman lahat at wala pang problema sa ngayon kundi yung adjustment lang ng sukat sa main structure, so far so good according to the plan.


May mga changes kaming ginawa kaya medyo nagulo ang blueprint na nakalatag sa lamesa, we almost done nang may biglang tumawag sa pangalan ko. Familiar ang boses, kilalang kilala ko, pero ayaw kong tukuyin.


"Take a break!"sabi ni Frank at inilapag ang paper bag sa lamesa kaya niligpit ko ang blueprint. Anong ginagawa niya dito? Oh he's the owner of this land. Tanga lang Rayne?


Hindi ko siya pinansin, kinuha ko ang bottled water na binili ko kanina at uminom. Iniiwasan ko siya lalo na kapag ino-open up nya yung nangyari sa amin. Like, what the fuck! Hindi ba kumpleto ang araw niya nang hindi niya ako naaasar?


He always ask me why I can't talk to him na hindi casual o kaya set a side talking about the project. After what happen between us, I don't know what to do anymore. Hindi ako pumayag na mag usap kami after 'non, pero kinain ko pa din yung breakfast na gawa niya, bawal mag sayang ng pagkain no.


Hindi ako nagsisisi na binigay sa kanya ang sarili ko, I just hate myself, hindi ko din alam kung tama ang ginagawa kong pag iwas, the image of him is like a film in my mind. Palagi, araw araw, kaya hindi ko alam sa sarili ko kung paano ko sasabihin na mahal ko pa rin siya, pero hindi na kagaya ng dati, yes I love him pero kaya ko pa rin ba maniwala sa lahat ng sasabihin niya?


"Eat your food, kahit hindi mo na ako kausapin pa!" seryosong sabi niya kaya napalingon ako sa kanya. He left after that, tinitigan ko ang papalayo niyang pigura, hindi niya ako kinulit ngayon, hindi ko tuloy alam kung galit ba siya or what. Kinagat ko ang ibabang labi ko at pinanuod siyang umalis. Yun na yun? Hanggang doon na lang pasensya niya sa akin? Iiwan niya ulit ako?


"Kaibigan mo ba si Mr. Menorca, Architect?" nagulat ako nong biglang sumulpot si Renz sa tabi ko. Dala dala niya pa yung paper plate na may lamang lasagna. Siya yung Engineer na kinuha kung naghahandle nitong resort ni Frank.


"Siguro!" kibit balikat na sagot ko, hindi ko naman alam kung anong sasabihin , hindi ko nga alam kung magkaibigan pa rin kami pag katapos ng nangyari sa amin.


"Siguro?" nagtataka niyang tanong at tinignan ako. Umiwas ako ng tingin at binuksan na lang ang tapper wear ng pagkain. Sayang kung hindi ko kakainin. Hindi na muli siyang nagtanong pa at nagkibit balikat na lang.


Sa mga sumunod na linggo ay puro revision lang ginawa ko, andaming mga changes lalo na sa mga sukat ng kwarto sa condominium na hawak ng team ko. Overtime kami ngayon lalo't madaming pang project na dumadating. It's almost 10 pm nang mapagdesisyonan kong pauwiin na ang team ko, we have a lot of time tomorrow, nabisita ko na din yung mga under constructions kanina, That's why madaming mga revision na ginagawa ngayong araw na alam ko namang hindi agad matatapos.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 02, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ms. architectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon